☰
Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

BUHAY STEM: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL SA MGA KARANASAN AT HAMON NG MGA MAG-AARAL AT GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO

📘 Volume 12 📄 Issue 8 📅 August 2026

👤 Authors

Judith G. Pacheco 1 , Raymund L. Santiago 2
1. DepEd – Negros Occidental, Philippines,
2. La Carlota City College, Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong siyasatin at unawain ang mgaain ang mga karanasan at hamon ng mga mag-aaral at guro sa paggamit at pagkatuto ng asignaturang Filipino sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand. Ginamit sa pananaliksik ang kwalitatibong penomenolohikal na disenyo upang mailarawan ang esensya ng kanilang mga karanasan. Pinili ang mga kalahok sa pamamagitan ng purposive sampling, na binubuo ng mga piling mag-aaral ng STEM at mga gurong nagtuturo ng Filipino. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng semi-structured na panayam at sinuri gamit ang anim na hakbang ng Thematic Analysis nina Braun at Clarke (2006). Lumitaw sa pagsusuri ang mga pangunahing tema: (1) Kahalagahan ng Filipino sa Paglinang ng Komunikasyon at Pagkatao; (2) Mga Hamon sa Paggamit ng Filipino sa STEM; (3) Mga Estratehiya ng mga Guro at Mag-aaral sa Pagkatuto; at (4) Pagpapahalaga sa Filipino Bilang Wikang Akademiko at Pambansa. Ipinakita ng pag-aaral na bagama't nahaharap ang mga kalahok sa iba't ibang hamon, nananatiling mahalaga ang asignaturang Filipino sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayang komunikatibo, kritikal na pag-iisip, at pagpapahalaga sa sariling wika at kultura.Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang pagpapatupad ng mas kontekstuwalisado at interaktibong estratehiya sa pagtuturo, pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo na angkop sa mga mag-aaral sa STEM strand at patuloy na pagsasanay ng mga guro upang higit na mapaunlad ang pagtuturo ng Filipino sa Senior High School..

🏷️ Keywords

Filipino sa STEM; Karanasan ng mga Mag-aaral; Karanasan ng mga Guro; Pagkatuto ng Filipino; Kasanayang Komunikatibo.

🔗 DOI

DOI - (https://doi.org/10.36713/epra31355)

📚 How to Cite:

Judith G. Pacheco, Raymund L. Santiago , BUHAY STEM: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL SA MGA KARANASAN AT HAMON NG MGA MAG-AARAL AT GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO , Volume 12 , Issue 8, August 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 822 - 836 , DOI: https://doi.org/10.36713/epra31355

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1787979184395-108.EPRA31355.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.