Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

CHATGPT AT ANG PAGSASALIN-WIKA: PAGSUSURI SA KARANASAN NG MGA MAG-AARAL

📘 Volume 11 📄 Issue 6 📅 june 2025

👤 Authors

Jheraldine M. Sareño LPT , Vicente A. Pines PhD 1
1. 1.St. Mary’s College of Tagum, Inc.Graduate School Department, Tagum City, Philippines, Graduate Education, 2.Sto. Tomas National High School, Sto. Tomas Davao del Norte , Philippines

📄 Abstract

Layunin ng penomenolohiyang pananaliksik na ito ay masuri, matukoy, at maunawaan ang karanasan ng labing-apat (14) na mag-aaral sa Senior High School sa paggamit ng ChatGPT sa pagsasalin-wika sa pagsulat ng akademikong sulatin sa Filipino sa pribadong paaralan ng Lungsod ng Tagum. Dagdag pa, ang ginawang pananaliksik ay makapagbibigay-gabay tugon at solusyon sa mga hamong nararanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng ChatGPT sa pagsasalin-wika sa pagsulat ng akademikong sulatin sa Filipino. Ang labing-apat (14) na naging partisipante sa penomenolohikal na pag-aaral na ito ay pinili gamit ang purposive sampling. Ang mga tugon na nakalap gamit ang pinalalim na panayam at pangkatang talakayan ay sinuri gamit ang tematikong pag-aanalisa. Ang mga nasuring pahayag tungkol sa karanasan ng ng mga mag-aaral sa pagsasalin-wika gamit ang ChatGPT sa pagsulat ng akademikong sulatin sa Filipino ay: napadali ang pagsasalin, nakakuha ng pinakamalapit na salin, at nakaranasan ng teknikal na isyu. Tungkol naman sa tanong kung anong mga solusyong inilapat ng mga mag-aaral sa paggamit ng ChatGPT sa pagsasalin-wika ang mga nabuong tema ay: paggamit ng kritikal na pag-iisip, paghahanap ng iba pang sites sa pagsasalin, at sariling pagwawasto ng mga isinalin. Ang mga pangunahing tema na: kapakinabangan sa akademikong komunidad, tulong sa pagpapalawak ng kaalaman, gamit ng ChatGPT sa responsableng pamamaraan, at epekto sa kasanayang kognitibo ang lumitaw tungkol sa posibleng pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ChatGPT sa pagsasalin-wika sa pagsulat ng akademikong sulatin sa Filipino.

🏷️ Keywords

Mag-Aaral Sa Senior High School Chatgpt Pagsasalin-Wika Akademikong Sulatin Penomenolohiya Tematikong Pag-Aanalisa Pribadong Paaralan Lungsod Ng Tagum

🔗 DOI

View DOI - (https://doi.org/10.36713/epra22730)

📚 How to Cite:

Jheraldine M. Sareño LPT , Vicente A. Pines PhD , CHATGPT AT ANG PAGSASALIN-WIKA: PAGSUSURI SA KARANASAN NG MGA MAG-AARAL , Volume 11 , Issue 6, june 2025, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra22730

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202506-01-022730.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.