☰
Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

DIGITAL POSTER: KAALAMAN AT KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA PAGSULAT NG TEKSTONG FILIPINO

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Karren Castro Austria 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009, Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Digital Poster: Kaalaman at Kasanayan sa Wastong Paggamit ng Bantas sa Pagsulat ng Tekstong Filipino” ay naglalayong suriin ang antas ng paggamit ng digital poster, ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tekstong Filipino, at ang epekto nito sa kanilang kaalaman at kasanayan sa wastong paggamit ng bantas. Layunin din nitong matukoy ang antas ng digital poster batay sa mga bahagi ng aralin tulad ng layunin, nilalaman, gawain, at pagtataya; masuri ang paggamit nito batay sa kaangkupan, aksesibilidad, teknikal na aspeto, at disenyo; at masuri ang kasanayan ng mga mag-aaral sa mekanismo, estilo, kaisahan, at tema ng pagsulat. Sinuri rin ang kanilang kasanayan batay sa aktwal na pagsusulit at tinukoy kung may makabuluhang epekto ang digital poster sa kanilang pagkatuto. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibo at korelasyonal na disenyo ng pananaliksik. Kabilang sa mga estadistikal na ginamit ang frequency, mean, at standard deviation upang mailarawan ang datos, gayundin ang Pearson Product–Moment Correlation at Analysis of Variance (ANOVA) upang matukoy ang ugnayan at pagkakaiba ng mga baryabol. Ang mga datos ay nakalap mula sa walumpu’t pitong (87) piling mag-aaral. Ipinakita ng mga resulta na lubhang mabisa ang digital poster sa iba’t ibang bahagi ng aralin, na nakatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman, pagpapahusay ng kasanayan sa pagbantas, at pagpapalalim ng pag-unawa sa estruktura ng tekstong Filipino. Mataas din ang antas ng paggamit nito batay sa mga katangian, na nagpapakitang ito ay angkop, madaling ma-access, maayos ang teknikal na aspeto, at kaakit-akit ang disenyo. Ipinakita rin na mataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng bantas, organisasyon ng ideya, kaisahan, at pagbuo ng malinaw na tema, na napatunayan sa kanilang aktwal na pagsusulit. Natuklasan din na may makabuluhang epekto ang digital poster sa kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng bantas. Sa isinagawang pagsusuri, may makabuluhang epekto ang digital poster sa kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng bantas kung kaya’t ang haypoteses ay hindi tinatanggap, sapagkat napatunayan sa resulta na may positibo at makabuluhang impluwensya ang paggamit nito sa pagpapahusay ng kanilang pag-unawa at kasanayan sa pagsulat. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang patuloy na paggamit ng digital poster sa pagtuturo, pagsasagawa ng mga seminar o pagsasanay para sa mga guro, integrasyon nito sa iba pang kagamitang pampagkatuto, at pagpapalawak ng saklaw ng susunod na mga pag-aaral upang higit na masuri ang epekto nito sa iba pang aspekto ng pagsulat ng tekstong Filipino.

🏷️ Keywords

Digital Poster Bantas Pagsulat Kasanayan Tekstong Filipino

📚 How to Cite:

Karren Castro Austria , DIGITAL POSTER: KAALAMAN AT KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA PAGSULAT NG TEKSTONG FILIPINO , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 289 - 300 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784018688171-38.EPRA28651.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.