Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

DISIPLINA SA PAG-UUGALI NG MGA ESTUDYANTE PATUNGKOL SA TAGUMPAY NG MGA MAG-AARAL NG FILIPINO SA MGA PAMPUBLIKONG SEKUNDARYONG PAARALAN

📘 Volume 11 📄 Issue 6 📅 june 2025

👤 Authors

Ailyn Grace P. Cabras, Josephine B. Baguio 1
1. Graduate School, The Rizal Memorial Colleges, Inc., Davao City, Graduate School, Philippines

📄 Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang makabuluhang ugnayan ng disiplina sa pag-uugali at tagumpay sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa mga pampublikong sekundaryang paaralan sa Caraga at Davao Oriental. Gamit ang disenyo ng pananaliksik na deskriptib-korelasyonal, isinama sa sarbey ang 155 mag-aaral na sumagot gamit ang mga pamantayang talatanungan. Ang mga datos ay isinuri gamit ang mean, standard deviation (SD), Pearson product-moment correlation, at multiple linear regression analyses. Ipinakita ng mga resulta na may mataas na antas ng disiplina sa pag-uugali at tagumpay sa Filipino ng mga mag-aaral. Sa analisis ng korelasyon, napag-alaman na may katamtamang positibong ugnayan sa pagitan ng disiplina sa pag-uugali at tagumpay sa Filipino. Nang magsagawa ng karagdagang analisis, natuklasan na ang mga domeyn ng disiplina sa pag-uugali tulad ng pagiging tagasuporta, tagapagpaubaya, tagapagkompromiso, at tagapag-ayos ay may makabuluhang impluwensiya sa tagumpay sa Filipino ng mga mag-aaral, na may pinakamatinding impluwensiya ang pagiging tagapagpaubaya. Samantalang ang domeyn ng pagiging tagapag-ayos ay hindi napatunayang may makabuluhang impluwensiya sa tagumpay sa Filipino ng mga mag-aaral. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda na magpatuloy at paigtingin ng mga tagapamahala ng paaralan ang mga programang tumutok sa pagpapalakas ng disiplina sa pag-uugali at pagpapabuti ng tagumpay sa Filipino sa pamamagitan ng mga pagsasanay at inisyatibo na magpapalaganap ng mga pagpapahalaga sa pagiging tagasuporta, tagapagpaubaya, at tagapagkompromiso sa mga mag-aaral.

🏷️ Keywords

Disiplina sa Pag-uugali Tagumpay sa Filipino Pampublikong Sekundaryang Paaralan Deskriptib-Korelasyonal Edukasyon

🔗 DOI

View DOI - (https://doi.org/10.36713/epra22531)

📚 How to Cite:

Ailyn Grace P. Cabras, Josephine B. Baguio , DISIPLINA SA PAG-UUGALI NG MGA ESTUDYANTE PATUNGKOL SA TAGUMPAY NG MGA MAG-AARAL NG FILIPINO SA MGA PAMPUBLIKONG SEKUNDARYONG PAARALAN , Volume 11 , Issue 6, june 2025, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra22531

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202506-01-022531.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.