Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

EMOSYONAL NA KATALINUHAN AT KABUTIHANG PANLOOB NG MGA GURO BILANG MGA PREDIKTOR NG KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG MGA GURO NG FILIPINO

📘 Volume 12 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Kenneth D. Hermanoche 1
1. Master of Arts in Teaching Filipino, Rizal Memorial Colleges, Inc. Davao City, Mindanao Island, Philippines,

📄 Abstract

Sa masalimuot at mapanghamong mundong ginagalawan ng mga guro, isang mahalagang obserbasyon ng mananaliksik ang lumitaw: hindi sapat ang mataas na kaalaman sa asignatura upang masabing mabisa ang isang guro. Sa aktuwal na karanasan sa mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa Davao Occidental, kapansin-pansin na ang mga gurong may kakayahang makiramdam, umunawa, at umakma sa emosyon ng kanilang sarili at ng iba ay mas mahusay sa pamamahala ng klase, paghubog ng ugnayan ng mga mag-aaral, at pagbibigay-inspirasyon. Sa kabilang banda, may mga gurong may sapat na kaalaman sa akademya ngunit nahihirapang makamit ang tiwala at kooperasyon ng kanilang mga mag-aaral. Dito pumapasok ang pananaw na ang emosyonal na katalinuhan at kabutihang panloob ay may malaking gampanin sa kahusayang pampagtuturo, higit pa sa teknikal na kaalaman.

📚 How to Cite:

Kenneth D. Hermanoche , EMOSYONAL NA KATALINUHAN AT KABUTIHANG PANLOOB NG MGA GURO BILANG MGA PREDIKTOR NG KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG MGA GURO NG FILIPINO , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 379 - 388 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1781376894304-59.EPRA28397.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.