Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

EPEKTO NG ESTILO NG GURO SA PATUTURO SA UGNAYAN NG KOOPERATIBONG PAGKATUTO AT PAGKATUTO NG WIKANG FILIPINO SA UNANG TAON NG BSED FILIPINO SA LOKAL NA KOLEHIYO NG KAPALONG

📘 Volume 11 📄 Issue 1 📅 january 2025

👤 Authors

Ethel T. Galabo , Elealeh S. Timosa 1
1. Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Institute of Teacher Education, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines

📄 Abstract

Ang layunin sa pag-aaral na ito ay matukoy ang epekto ng estilo ng guro sa pagtuturo sa ugnayan ng kooperatibong pagkatuto at pagkatuto ng wikang Filipino sa unang taon ng BSEd Filipino sa lokal na kolehiyo ng Kapalong. Ang pag-aaral na ito ay isang kwantitatibong pananaliksik na gamit ang mediation na analisis. Gamit ang stratified random sampling specifically proportional allocation para sa pagkuha ng sampol at Slovin?s formula na 0.05 margin of error para sa sample size, at 117 na random na mag-aaral mula unang taon sa mayoryang Filipino na naging respondante sa 3 baryabol. Natuklasan sa resulta ng pag-aaral na ang antas ng kooperatibong pagkatuto, pagkatuto ng wikang Filipino at estilo ng guro sa pagtuturo, ay nakakuha ng pinakamataas na mean. Nakita din sa resulta na ang ugnayan sa pagitan ng kooperatibong pagkatuto at pagkatuto ng wikang Filipino, ugnayan sa pagitan ng kooperatibong pagkatuto at estilo ng guro sa pagtuturo at ang ugnayan sa pagitan ng estilo ng guro sa pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino ay may makabuluhang ugnayan. Sa karagdagan, nakita din sa resulta na ang estilo ng guro sa pagtuturo ay may epekto sa ugnayan ng kooperatibong pagkatuto at pagkatuto ng wikang Filipino.

🏷️ Keywords

estilo ng guro sa pagtuturo kooperatibong pagkatuto pagkatuto ng wikang Filipino

🔗 DOI

View DOI - (https://doi.org/10.36713/epra19794)

📚 How to Cite:

Ethel T. Galabo , Elealeh S. Timosa , EPEKTO NG ESTILO NG GURO SA PATUTURO SA UGNAYAN NG KOOPERATIBONG PAGKATUTO AT PAGKATUTO NG WIKANG FILIPINO SA UNANG TAON NG BSED FILIPINO SA LOKAL NA KOLEHIYO NG KAPALONG , Volume 11 , Issue 1, january 2025, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra19794

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202501-01-019794.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.