☰
Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

GABAYTORYA: INTERBENSYON SA PAGSASANAY SA PAGBASA AT PAG-UNAWA SA FILIPINO

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Riza Jane Villanueva Crisaldo 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Gabaytorya: Interbensyon sa Pagsasanay sa Pagbasa at Pag-unawa sa Filipino. Layunin nitong masuri ang bisa ng Gabaytorya bilang interbensyon sa pagbasa sa pamamagitan ng pagtukoy sa antas ng paggamit batay sa bahagi at katangian nito, gayundin ang antas ng pag-unawa, kaalaman at pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Sinikap din ng pag-aaral na matukoy kung may makabuluhang kaugnayan at epekto ang Gabaytorya sa pag-unawa at pagganap ng mga mag-aaral. Gumamit ang pananaliksik ng deskriptibong-korelasyong disenyo. Ang mga naging tagatugon ng pag-aaral na ito ay ang siyamnapu’t isang (91) mag-aaral mula sa baitang 11 ng Talangan Integrated National High School sa taong panuruan 2025-2026. Ang mga datos na nakalap gamit ang talatanungan ay sinuri gamit ang weighted mean, standard deviation, Pearson-R, at Multi-Linear Regression Analysis bilang istatistikal na pamamaraan. Batay sa resulta, ang antas ng paggamit ng Gabaytorya bilang interbensyon sa pagbasa ay lubos na nailalapat sa lahat ng bahagi nito. Sa aspektong paksa, malinaw ang paglalahad at nagbigay ng wastong konteksto sa mga mag-aaral. Sa pagpapaunlad, naging epektibo ang mga gawain dahil nakaayon ang mga ito sa mahahalagang kasanayan sa pagbasa. Sa pagpapalihan, nakatulong nang malaki ang paggamit ng mga visual aids at graphic organizers, habang sa paglalapat, madaling naisagawa ang mga gawain sa loob ng klase. Ipinakita rin ng resulta na ang mga katangian ng Gabaytorya ay lubos na nailalapat. Ang kalinawan sa mga hakbang na nagsilbing hikayat sa paggamit ng mga guro, habang ang teknikal na pormat at disenyo nito ay angkop sa antas at pangangailangan ng mga mag-aaral, lalo na sa mga may learning challenges. Sa aspeto ng pag-unawa sa Filipino, nakitaan ng pag-unlad ang mga mag-aaral sa bokabolaryo, kawastuan, at bilis ng pagbasa. Gayundin, naging kasiya-siya ang kanilang pagganap sa pasulat at pasalitang pagsusulit. Natuklasan ang positibong kaugnayan sa pagitan ng paggamit ng Gabaytorya at pag-unlad ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Lumalabas din sa pag-aaral ang positibong epekto ng Gabaytorya sa pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang Gabaytorya ay nagpapakita ng makabuluhang ugnayan bilang interbensyon sa pagsasanay sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral. Gayundin, inilahad ang makabuluhang epekto ng Gabaytorya sa pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino, kaya ang dalawang haypoteses ay hindi tinatanggap. Bilang kongklusyon ng pag-aaral, ang paggamit ng Gabaytorya sa mga mag-aaral bilang interbensyon ay nakatulong sa pagpapahusay ng kanilang kaalaman at pag-unawa. Inirerekomenda ang patuloy at pinalawak na paggamit ng Gabaytorya at karagdagang pag-aaral upang higit pang mapahusay ang pagtuturo ng pagbasa at pag-unawa sa Filipino.

🏷️ Keywords

Gabaytorya Interbensyon Pagbasa Pagganap Pag-unawa

📚 How to Cite:

Riza Jane Villanueva Crisaldo , GABAYTORYA: INTERBENSYON SA PAGSASANAY SA PAGBASA AT PAG-UNAWA SA FILIPINO , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 336 - 348 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784051542720-41.EPRA28654.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.