📄 Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo at makapagbalida ng gamified na kagamitang pampagtuturo, bilang suplementaryong estratehiya sa pagtuturo upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino 5 s bilang isang inobasyon upang suportahan ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa panahon ng flexible learning. Ginamit sa pag-aaral na ito ang Developmental Research Design, isinagawa ito gamit ang kwantitatibong pamamaraan upang masukat ang bisa at katanggap-tanggap ng nabuong materyal. Sa pagbuo ng inobasyong ito, ginamit ng mga mananaliksik ang ADDIE Model bilang gabay sa pagdidisenyo ng materyal. May labinlimang (15) mag-aaral na kalahok mula sa Cantutang Elementary School. Ang pangunahing instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay ang nabuong Gamified na Estratehiya sa Pagtuturo sa Filipino 5. Nakapaloob dito ang mga gawaing nakabatay sa mga Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Natuklasan na ang least learned competencies ng mga mag-aaral sa Filipino 5, ang mga kahinaan ng mga mag-aaral ay higit na nakatuon sa pag-unawa at wastong paggamit ng mga bahagi ng pananalita, partikular ang panghalip, pang-uri, at pang-abay. Nakabuo ang mga mananaliksik ng isang gamified na suplementaryong kagamitang pampagtuturo na nakaangkla sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino 5. Dinisenyo ito upang magsilbing alternatibong kagamitan sa pagkatuto, lalo na sa mga pagkakataong naaantala ang face-to-face na klase dahil sa mga kalamidad o iba pang hindi inaasahang pangyayari. Ang kagamitan ay maaaring gamitin sa mga digital na aparato gaya ng laptop at tablet at naglalaman ng mga gawaing nakabatay sa karanasan, kultura, at wika ng mga mag-aaral. Ang antas ng baliditi ng nilalaman at antas ng pagtanggap ng binuong gamified Filipino 5 bilang kagamitang pampagtuturo, sa isinagawang ebalwasyon ng mga tagatasa, lumabas na ang binuong gamified na kagamitan ay nagtamo ng napakabalidong antas ng pagtataya sa kabuuan. Ipinakikita ng resulta na ang materyal ay angkop, organisado, at naaayon sa mga pamantayan sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo, kaya maaari itong gamitin bilang suplementaryong kagamitan sa pagtuturo ng Filipino 5. Batay sa mga natuklasan, napatunayang ang binuong Gamified Filipino 5 ay isang napakabalidong suplementaryong kagamitang pampagtuturo na nakahanay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs). Nakatulong ito sa pagpapataas ng motibasyon, partisipasyon, at interes ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino. Ang paggamit ng gamification bilang estratehiya ay nagpapakita ng malaking potensiyal bilang alternatibong paraan ng pagtuturo lalo na sa panahon ng flexible learning at iba pang sitwasyong nakaaapekto sa regular na pagpasok sa paaralan. Inirekomenda na hikayatin ang mga guro sa Filipino na gamitin ang Gamified Filipino 5 bilang suplementaryong kagamitang pampagtuturo upang mapalawak ang interes, motibasyon, at aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignatura. At ipagpatuloy ang pagpapahusay ng kagamitang pampagtuturo, lalo na sa aspeto ng pagkakahanay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) at mga gawaing pagtataya, batay sa mga mungkahi ng mga eksperto at sa karanasan ng mga guro at mag-aaral sa paggamit nito.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Melissa D. Kirong, Mary Ann c. Rosales, Argelie C. Gono , GAMIFIED FILIPINO 5: ISANG INOBATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA PANAHON NG FLEXIBLE LEARNING , Volume 12 , Issue 8, August 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 78 - 83 ,