Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

GAMPANIN NG PAMPAARALANG PAMAMAHAYAG SA FILIPINO SA PAGPAPAYAMAN NG KASANAYANG PANGWIKA AT KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO NG MGA MAG-AARAL

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Lilian Datoy Oway 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang gampanin ng Pampaaralang Pamamahayag sa Filipino sa Pagpapayaman ng Kasanayang Pangwika at Kakayahang Lingguwistiko ng mga mag-aaral. Partikular nitong inalam ang antas ng gampanin ng pampaaralang pamamahayag, antas ng pagpapayaman sa kasanayang pangwika, gayundin ang antas ng kakayahang lingguwistiko ng mga mag-aaral. Malaman ang makabuluhang ugnayan ng gampanin ng pampaaralang pamamahayag sa Filipino sa pagpapayaman sa kasanayang pangwika at kakayahang lingguwistiko ng mga mag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang deskriptibo at korelasyonal na disenyo ng pananaliksik. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay mga piling mag-aaral na kasapi sa pampaaralang publikasyon mula sa mga paaralan sa distrito ng Pila at Santa Cruz na may kabuuang bilang na isang daan at dalawampung (120) mag-aaral. Ginamit ang frequency, percentage, mean, at standard deviation upang mailarawan ang antas ng mga baryabol. Samantala, ginamit ang Pearson Product-Moment Correlation Coefficient upang matukoy ang ugnayan ng mga baryabol. Purposive sampling ang ginamit na teknik ng mananaliksik. Lumabas sa resulta ng pag-aaral ang gampanin ng pampaaralang pamamahayag sa Filipino, gayundin ang antas ng pagpapayaman sa kasanayang pangwika at kakayahang lingguwistiko ay kapwa may kabuung punang na Lubhang Mabisa. Natuklasan din ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng gampanin ng pampaaralang pamamahayag sa Filipino at Pagpapayaman sa Kasanayang Pangwika ng mga mag-aaral. Samantalang walang makabuluhang ugnayan naman sa pagitan ng Gampanin ng Pampaaralang Pamamahayag sa Filipino at Kakayahang Lingguwistiko ng mga Mag-aaral. May makabuluhang ugnayan ang Gampanin ng Pampaaralang Pamamahayag sa Pagpapayaman sa Kasanayang Pangwika kung kaya’t ang haypotesis ay hindi tinatanggap. Samantala, walang makabuluhang ugnayan ang Gampanin ng Pampaaralang Pamamahayag sa Kakayahang Lingguwistiko ng mga Mag-aaral kung kaya’t ang haypotesis ay tinatanggap. Bilang konklusyon, ang pakikilahok sa pampaaralang pamamahayag ay nakapag-aambag sa pag-unlad ng kasanayang pangwika. Gayunpaman, hindi pa ito ganap na nakaaapekto sa kabuuang kakayahang lingguwistiko ng mga mag-aaral, kaya’t kinakailangan ang mas organisado at mas malalim na pagpapatupad upang higit pang mapalakas ang bisa nito. Matapos ang pag-aaral, iminumungkahi sa mga gurong tagapayo ng journalism ang madalas at organisadong pagpapatupad ng mga gawaing pampaaralang pamamahayag, gayundin ang patuloy na suporta ng paaralan sa pamamagitan ng trainings, palihan at programang magpapahusay sa akademikong pagsulat at komunikasyon ng mga mag-aaral.

🏷️ Keywords

gampanin pampaaralang pamamahayag Filipino kasanayang pangwika kakayahang lingguwistiko

📚 How to Cite:

Lilian Datoy Oway , GAMPANIN NG PAMPAARALANG PAMAMAHAYAG SA FILIPINO SA PAGPAPAYAMAN NG KASANAYANG PANGWIKA AT KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO NG MGA MAG-AARAL , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 452 - 462 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784102387916-50.EPRA 28663.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.