📄 Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo ng isang interaktibong kagamitang panturo na tinawag na BidyoAral Hub upang mapaunlad ang kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa Junior High School. Tiniyak din ng pag-aaral na matukoy ang mga kagamitang panturo na ginagamit ng mga guro, masuri ang mga kagamitang itinuturing na mabisa ayon sa pananaw ng mga guro at mag-aaral, masukat ang antas ng kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral, at matukoy ang kaugnayan ng mga kagamitang panturo sa kanilang kasanayan sa pag-unawa. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong kwantitatibong disenyo. Ang datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan at sinuri gamit ang frequency, percentage, mean, standard deviation, Shapiro-Wilk Test, at Spearman’s Rank-Order Correlation. Natuklasan na gumagamit ang mga guro ng iba’t ibang kagamitang panturo tulad ng aklat, modyul, grapikong tagapag-ayos, PowerPoint, mga aralin sa bidyo, digital reading applications, online articles o e-books, at worksheets. Batay sa pananaw ng mga guro at mag-aaral, ang mga aralin sa bidyo, PowerPoint, at digital reading applications ang pinakamabibisang kagamitang panturo sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pag-unawa. Lumabas din na ang antas ng kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral ay nasa antas na “Mahusay” at may makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng mga kagamitang ito sa kanilang pag-unawa. Bunga nito, nabuo ang BidyoAral Hub na nakakuha ng I-CVI, S-CVI, at UA na may katumbas na 1.00 at may interpretasyong “Lubos na Balido.” Sa kabuuan, ipinakita ng pag-aaral na ang paggamit ng interaktibo at multimedia-based na kagamitang panturo ay nakatutulong sa pagpapahusay ng kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Ang BidyoAral Hub ay isang balido at angkop na kagamitang panturo para sa pagtuturo ng Filipino.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Jhunanie M. Saligumba, Medelyn M. Montenegro , INTERAKTIBONG KAGAMITANG PANTURO: INOBATIBONG TUGON SA PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA PAG-UNAWA NG MGA MAG-AARAL SA JUNIOR HIGH SCHOOL , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 416 - 423 , DOI: https://doi.org/10.36713/epra30551