Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

INTERNET SLANG AT WIKANG FILIPINO: KASANAYAN SA PAKIKIPAGTALASTASAN SA KONTEKSTONG DIGITAL

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Leslie Flores Jorgio 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang paggamit ng internet slang at Wikang Filipino at ang kasanayan sa pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral sa tradisyonal at digital na konteksto. Partikular nitong inalam ang mga sumusunod na katanungan: antas ng paggamit ng internet slang batay sa pagkakaangkop, layunin, pagbibigay ng kahulugan, at pagkaunawa sa kahulugan; antas ng paggamit ng Wikang Filipino batay sa kaangkupan, gramatika, pagbaybay, at pagpapahayag ng damdamin o opinyon; antas ng kasanayan sa pakikipagtalastasan batay sa kalinawan ng mensahe, hikayat sa gamit ng salita, paraan ng pagpapahayag, at kakayahang magpalitan ng ideya; antas ng pakikipagtalastasan sa kontekstong digital batay sa interaktibidad, pamilyaridad sa digital na format, access sa internet at device, at etika sa paggamit ng teknolohiya. Dagdag dito ay may makabuluhang ugnayan ang internet slang at Wikang Filipino sa kasanayan sa pakikipagtalastasan; at makabuluhang ugnayan ng internet slang at Wikang Filipino sa pakikipagtalastasan sa kontekstong digital. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong korelasyon na disenyo ng pananaliksik. Ang mga datos ay nakalap mula sa mga isang daan (100) na piling mag-aaral sa pamamagitan ng talatanungan bilang pangunahing instrumento. Ginamit ang frequency, mean, at standard deviation upang matukoy ang antas ng mga baryabol, habang Pearson Product–Moment Correlation ang ginamit sa pagsusuri ng makabuluhang ugnayan. Lumabas sa resulta na ang mga mag-aaral ay may katamtaman hanggang mataas na antas ng paggamit ng internet slang, mataas na antas ng kasanayan sa Wikang Filipino, mataas na antas ng kasanayan sa pakikipagtalastasan, at mataas na antas ng pakikipagtalastasan sa kontekstong digital. Natuklasan din na may makabuluhang ugnayan ang paggamit ng internet slang at Wikang Filipino sa parehong kasanayan sa komunikasyon at digital na pakikipagtalastasan. Bilang konklusyon, ipinakita na ang paggamit ng internet slang at Wikang Filipino ay may mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng kasanayan sa komunikasyon ng mga mag-aaral sa tradisyonal at digital na konteksto. Ipinapakita rin na ang wastong paggamit ng wika ay nakatutulong sa malinaw, epektibo, at responsableng komunikasyon. Inirerekomenda ang patuloy na paggabay sa mga mag-aaral sa wastong paggamit ng wika, pagpapalakas ng papel ng guro at magulang, at pagpapaunlad ng mga programang pangwika sa paaralan upang matugunan ang hamon ng digital na komunikasyon.

🏷️ Keywords

internet slang Wikang Filipino pakikipagtalastasan digital na komunikasyon kasanayan

📚 How to Cite:

Leslie Flores Jorgio , INTERNET SLANG AT WIKANG FILIPINO: KASANAYAN SA PAKIKIPAGTALASTASAN SA KONTEKSTONG DIGITAL , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 384 - 396 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784052371902-45.EPRA28658.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.