📄 Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga matatalinghagang parirala/sugnay gamit ang morpo-semantikong pamamaraan, gayundin ang pag aanalisa ng mga tema at mensahe ng mga piling kanta ni Noel Cabangon. Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwalitatibong disenyo ng pag-aaral gamit ang dikursong pagsusuri bilang dulong upang suriin ang limampu?t isang (51) piling mga kanta ni Noel Cabangon na nagsilbing korpora sa pag-aaral. Batay sa resulta, apat na morpolohikal na mga katangian ang namukod sa ginawang pagsusuri: ang affixation, pagpapahaba, panghihiram, at palit-koda. Dagdag pa, limang (5) aspeto naman ng semantika ang namukod sa ginawang pagsusuri: ang leksikal na kategorya, kahulugan ng konstruksiyon, matatalinghagang salita, komento sa lipunan, at sanggunian sa kultura. Makikita rin sa pag-aaral na ito ang iba?t ibang tema at mensahe na siyang tampok sa mga piling kanta ni Noel Cabangon.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Rechel Mae A. Dabon , ISANG DISKURSONG PAG-AARAL NG MGA PILING KANTA NI NOEL CABANGON , Volume 11 , Issue 1, january 2025, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra19800