Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

KAHANDAAN, HAMON AT REPLEKSIYON NG MGA GURO SA FILIPINO SA CLASSROOM OBSERVATION

📘 Volume 12 📄 Issue 8 📅 August 2026

👤 Authors

Rymilyn V. Mesaya 1 , Dan M. Dagatan 2
1. Luisa Medel National High School, Philippines,
2. La Carlota City College, Philippines,

📄 Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na siyasatin ang kahandaan, mga hamon, at mga repleksiyon ng mga guro sa Filipino hinggil sa obserbasyong pangklasrum bilang batayan sa pagbuo ng mga rekomendasyong pampatakaran. Nabatay ang pag-aaral sa Reflective Practice Theory ni Donald Schön, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng repleksiyon bilang mekanismo sa patuloy na propesyonal na pag-unlad ng mga guro. Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibong kwalitatibong disenyo at tematikong analisis upang masuri ang mga karanasan ng mga gurong Filipino na may tatlong taon pababa ng karanasan sa pagtuturo, may permanenteng katayuan sa serbisyo, at nakatanggap ng markang "Satisfactory" sa School Year 2024–2025. Nakalap ang mga datos sa pamamagitan ng malalimang panayam upang mailarawan ang kanilang paghahanda, mga hamong naranasan bago, habang, at pagkatapos ng obserbasyong pangklasrum, gayundin ang kanilang mga repleksiyon at mga pagbabagong isinagawa sa kanilang praktikang pedagogikal. Ipinakita ng pag-aaral na ang obserbasyong pangklasrum ay nagsilbing mahalagang pagkakataon para sa pagninilay, pagtanggap ng makabuluhang puna, at pagpapahusay ng mga estratehiya sa pagtuturo sa kabila ng mga hamong naranasan ng mga kalahok. Napag-alaman din na ang suportibong feedback, kolaborasyon, at sistematikong pagninilay ay nakatulong sa pagpapalakas ng kanilang propesyonal na kumpiyansa at pagganap. Batay sa mga natuklasan, nabuo ang mga rekomendasyong naglalayong higit pang mapaunlad ang mga patakaran at proseso ng obserbasyong pangklasrum tungo sa isang mas makatao, reflektibo, at developmental na sistema ng propesyonal na pagpapaunlad ng mga guro.

🏷️ Keywords

Obserbasyong Pangklasrum; Replektibong Praktika; Mga Guro sa Filipino; Propesyonal na Pag-unlad; Puna at Feedback; Praktikang Pedagogikal; Tematikong Analisis; Reflective Practice Theory.

📚 How to Cite:

Rymilyn V. Mesaya, Dan M. Dagatan , KAHANDAAN, HAMON AT REPLEKSIYON NG MGA GURO SA FILIPINO SA CLASSROOM OBSERVATION , Volume 12 , Issue 8, August 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 547 - 558 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1787409564806-76.EPRA31268.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.