Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

KAPANATAGANG EMOSYUNAL AT PAGTATAGUYOD NG DISIPLINANG PAMPAG-AARAL

📘 Volume 10 📄 Issue 11 📅 november 2024

👤 Authors

Aileen Chavez-Miranda 1
1. The Rizal Memorial Colleges, Inc. Davao City 8000, Fililipo Department, Philippines

📄 Abstract

Ang mga hamon sa disiplinang pampag-aaral ng mga guro ay naka-angkla, hindi lamang sa eksternal na kilos ng mga mag-aaral sa silid, kung hindi pati na rin sa mismong nangunguna nito. Kung kaya ang pananaliksik na ito ay binigyang pansin ang ugnayan ng lawak ng kapanatagang emosyunal ng mga guro at ang epekto nito sa kanilang napagtantong antas ng sarili nilang disiplinang pampag-aaral. Batay sa mga pagsusuri sa mga natuklasan, humantong ang mananaliksik sa sumusunod na konklusyon: mataas ang lawak ng kapanatagang emosyunal ng mga guro. Ito ay batay sa resultang natamo gamit ang apat na indikeytor na: optimismo, pagkamahinahon, awtonomiya, at pagmamalasakit. Mataas din ang digri ng pagtataguyod ng disiplinang pampag-aaral ng mga guro. Napagtanto rin na may makabuluhang ugnayan ang kapanatagang emosyunal at disiplinang pampag-aaral; dahil dito ang hipotesis na nagsasabing walang makabuluhang ugnayan ang kapanatagang emosyunal at disiplinang pampag-aaral ng mga guro ay tinanggihan. Upang mabuo may makabuluhang impluwensiya sa digri ng pagtataguyod ng disiplinang pampag-aaral ng mga guro. Gayunpaman, ang indibidwal na indikeytor ay hindi makabuluhang salik ng disiplinang pampag-aaral. Sa pangkalahatan, mas mapapalawak pa ang ugnayan ng dalawang salik kung titingnan ang ibang anggulong nakatutok sa mga nasabing Salik.

🏷️ Keywords

Kapanatagang Emosyunal Disiplinang Pampag-aaral

📚 How to Cite:

Aileen Chavez-Miranda , KAPANATAGANG EMOSYUNAL AT PAGTATAGUYOD NG DISIPLINANG PAMPAG-AARAL , Volume 10 , Issue 11, november 2024, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202411-01-018911.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.