Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

KARANASAN AT PANANAW NG MGA NON-FILIPINO SPEAKER SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

📘 Volume 12 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Maricon B. Rivas 1 , Medelyn M. Montenegro 2
1. Buenavista National High School, Buenavista, Tandag City, Surigao del Sur , Philippines,
2. North Eastern Mindanao State University, Rosario, Tandag City, Surigao del Sur, Philippines,

📄 Abstract

Layunin ng pag-aaral na masuri ang karanasan at pananaw ng mga non-Filipino speaker sa pagkatuto at paggamit ng wikang Filipino gayundin ang makabuo ng angkop na kagamitang pampagkatuto. Ang mga impormante sa pag-aaral na ito ay binubuo ng labing-anim (16) na mag-aaral mula sa Junior High School ng Saint Theresa College of Tandag, Inc. Mula sa bawat baitang, may tig-apat (4) na mag-aaral na napiling lumahok bilang impormante sa pamamagitan ng purposive sampling. Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng In-depth Interview (IDI) at Focus Group Discussion (FGD) at sinuri gamit ang tematikong pagsusuri. Natuklasan na ang pagkatuto sa wikang Filipino ng mga non-Filipino speaker ay nahahadlangan ng limitadong bokabularyo, kahinaan sa balarila at kakulangan sa praktikal na paggamit ng wika. Sa emosyonal na aspeto, nakararanas sila ng kaba, takot at iba pang damdaming nakaaapekto sa kanilang pagkatuto. Dahil dito, naaapektuhan ang kanilang pag-unawa at akademikong pagganap. Gayunpaman, positibo ang kanilang pananaw sa wikang Filipino bilang mahalagang midyum ng komunikasyon at pakikisalamuha. Bukod dito, gumagamit sila ng iba’t ibang estratehiya tulad ng Taglish, pagsasaling-wika at teknolohiya upang mapadali ang kanilang pagkatuto. Batay sa mga natuklasan, nabuo ang isang kontekstuwalisado, interaktibo, bilingguwal at nakasentro sa mag-aaral na e-modyul na pinamagatang “Filipino Bridge: Interaktibong Pagkatuto sa Wikang Filipino para sa mga Non-Filipino Speaker.” Ang e-modyul na ito ay idinisenyo upang matugunan ang mga pangangailangan, karanasan at hamon na nararanasan ng mga impormante sa pagkatuto ng wikang Filipino. Nagtataglay ito ng mga gawaing nagpapalawak ng talasalitaan, nagpapalakas ng kasanayang panggramatika at nagpapalawak ng oportunidad sa makabuluhang paggamit ng wika sa tunay na sitwasyon. Inaasahang makatutulong ito sa pagpapabuti ng kanilang kasanayan sa wikang Filipino at sa pagbawas ng mga hadlang sa pagkatuto ng wika.

🏷️ Keywords

Non-Filipino speaker Wikang Filipino Karanasan sa Pagkatuto Pananaw sa Wikang Filipino at Kagamitang Pampagkatuto

🔗 DOI

View DOI - (https://doi.org/10.36713/epra30656)

📚 How to Cite:

Maricon B. Rivas, Medelyn M. Montenegro , KARANASAN AT PANANAW NG MGA NON-FILIPINO SPEAKER SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 609 - 613 , DOI: https://doi.org/10.36713/epra30656

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1781978866762-90.EPRA30656.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.