📄 Abstract
Isinagawa ang pag-aaral na ito na sa Sangay ng Davao del Sur upang matukoy ang makabuluhang ugnayan ng karunungang sa pagtuturo at mga balakid sa pagtuturo ng mga gurong di-major sa Filipino gamit ang deskriptibkorelesyon na disenyo. Nasa mataas na antas ang karunungan sa pagtuturo samantalang nasa lawak katamtaman ang balakid sa pagtuturo. Nabunyag din na may makabuluhang ugnayan ang karunungan at mga balakid sa pagtuturo at ang mga domeyn o indikeytor ng karunungan sa pagtuturo na: mabungang samahang pampag-aaral; paglinang ng wika; kontekstuwalisasyon; mapanghamong aktibiti at pagtuturong salitaan ay napatunayang may makabuluhang impluwensiya sa mga balakid sa pagtuturo ng mga di-major sa Filipino. Ang mga hipotesis ng pag-aaral ay pawang tinanggihan. Inirerekomenda na magbalangkas ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon ng mga polisiya at patakaran para sa masinsinang pagsasanay ng mga gurong di-major sa Filipino na may diin sa kontekstuwalisayon, pagpaplano sa aralin at pamamaraan sa pagtuturo. Ang mga punong-gurong nangangasiwa sa mga paaralan ay maaaring magbalangkas ng mga schoolbased na pagsasanay na may diin sa kontekstuwalisayon, pagpaplano sa aralin at pamamaraan sa pagtuturo.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
John Gian M. Besiera , KARUNUNGAN AT MGA BALAKID SA PAGTUTURO NG MGA DI-MAJOR SA FILIPINO , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 531 - 542 ,