Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

KASANAYANG LINGGUWISTIKA AT KAHANDAAN SA PANANALIKSIK NG MGA MAG-AARAL SA ANTAS NG SENIOR HIGH SCHOOL

📘 Volume 10 📄 Issue 12 📅 december 2024

👤 Authors

Divina Ringor Odod 1
1. Mananaliksik, Rizal Memorial Colleges, Inc, FILIPINO, Philippines

📄 Abstract

Ang kasalukuyang pag-aaral ay gumamit ng deskriptiv na pamamaraan sa pananaliksik gamit ang correlational na pamamaraan sa pananaliksik upang masuri ang makabuluhang impluwensya ng kasanayang lingguwistika sa kahandaan sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa antas ng senior high school. Ang mga napiling kalahok ng mananaliksik sa kasalukyang pag-aaral ay ang dalawang daang (200) mag-aaral sa antas ng senior high school sa iilang paaralan sa Distrito ng Marilog, Davao City. Sa kabilang banda, natuklasan ng mananaliksik na ang antas kasanayang lingguwistika at kahandaan sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa antas ng senior high school ay mataas. Samantala, natuklasan sa pag-aaral na mayroong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kasanayang lingguwistika at kahandaan sa pananaliksik ng mga mag- aaral sa antas ng senior high school. Panghuli, napag-alaman ng mananaliksik na ang kasanayang lingguwistika kung susuriin ayon sa kasanayang berbal, kasanayan sa pag-unawa, at kasanayan sa pagsusulat ay ang mga domeyn na may makabuluhang impluwensya sa kahandaan sa pananaliksik ng mga mag- aaral sa antas ng senior high school

🏷️ Keywords

Kasanayang lingguwistika kahandaan sa pananaliksik edukasyon Lungsod ng Davao Pilipinas

📚 How to Cite:

Divina Ringor Odod , KASANAYANG LINGGUWISTIKA AT KAHANDAAN SA PANANALIKSIK NG MGA MAG-AARAL SA ANTAS NG SENIOR HIGH SCHOOL , Volume 10 , Issue 12, december 2024, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202412-01-019365.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.