☰
Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

KISLAP: SANAYANG AKLAT TUNGO SA KASANAYANG KRITIKAL AT ANALITIKAL NG MGA MAG-AARAL

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Jhon Ricky Talabis Salosa 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa KISLAP: Sanayang Aklat Tungo sa Kasanayang Kritikal at Analitikal ng mga Mag-aaral. Layunin nitong matukoy ang antas ng KISLAP batay sa mga bahagi nito ayon sa abot-tanaw, balik-tanaw, lusong-kaalaman, gaod-kaisipan, layag-diwa, lambat-likha, salok-dunong at daong-kamalayan at malaman ang antas ng KISLAP batay sa mga katangian nito ayon sa katumpakan, kaangkupan, kalinawan, at kaayusan. Sinuri din sa pag-aaral na ito ang lawak ng kasanayang kritikal batay sa pagsusuri ng impormasyon, pangangatwirang lohikal, paglutas ng suliranin at pagpapasya ng mga mag-aaral at inalam din ang lawak ng kasanayang analitikal batay sa pagtukoy ng ugnayan ng mga ideya, pag-aanalisa ng datos, pagsusuri ng sitwasyon at pagbuo ng sintesis mga mag-aaral. Inalam din sa pag-aaral na ito kung may makabuluhang epekto ang KISLAP sa Kasanayang Kritikal at Analitikal ng mga Mag-aaral. Gumamit ang pag-aaral ng isang deskriptibong metodong kwantitatibo upang siyasatin ang epekto ng KISLAP sa Kasanayang Kritikal at Analitikal ng mga Mag-aaral. Ang mga datos ay nakalap mula sa dalawang daan (200) na mag-aaral na pinili gamit ang purposive sampling technique mula sa Baitang 11 sa Famy National Integrated High School sa pamamagitan ng sariling talatanungan at analitikong rubrik bilang mga pangunahing instrumento. Ginamit ang mean, standard deviation, frequency at percentage upang matukoy ang antas ng mga baryabol, habang isinagawa ang Multiple Regression Analysis gamit ang t-Test sa pagsusuri ng makabuluhang epekto. Ayon sa nakalap na datos, ang antas ng KISLAP batay sa mga Bahagi nito ay Lubhang Katanggap-tanggap. Sa kabilang banda, ang antas ng KISLAP batay sa mga Katangian nito ay Lubhang Kapansin-pansin. Nakatala sa lumabas na resulta na ang Lawak ng Kasanayang Kritikal at Analitikal ng mga mag-aaral ay nasa lebel ng Mahusay. Batay din sa pagsusuri, ipinapakita nito na ang mga Bahagi at Katangian ng KISLAP ay may makabuluhang epekto sa Kasanayang Kritikal at Analitikal ng mga Mag-aaral. Napatunayan na ang paggamit ng sanayang aklat na KISLAP ay may makabuluhang epekto sa Kasanayang Kritikal at Analitikal ng mga tagatugon; kaya’t hindi tinatanggap ang haypoteses ng pananaliksik. Ipinapakita nito na ang paggamit ng KISLAP ay may mahalagang kontribusyon sa pagpapaunlad ng kasanayang kritikal at analitikal ng mga mag-aaral dahil sa mga gawaing nakapaloob dito na nakatuon sa paghubog sa mas mataas na antas na pag-iisip ng mga mag-aaral. Inirerekomenda sa mga guro ang paggamit nito bilang gabay sa pagtuturo at pagdisenyo ng angkop na gawain, habang hinihikayat ang mga pinuno ng paaralan na maglunsad ng mga pagsasanay na makatutulong sa mga guro sa pagbuo ng mga materyal. Iminumungkahi rin ang suporta ng SDO sa E-LIRIP para sa paglikha ng lokal na kagamitang panturo. Para sa mga mananaliksik, inirerekomenda ang paggamit ng ibang metodo ng pag-aaral upang masukat ang pangmatagalang bisa ng KISLAP.

🏷️ Keywords

Sanayang Aklat KISLAP Bahagi at Katangian ng KISLAP Kasanayang Kritikal at Kasanayang Analitikal

📚 How to Cite:

Jhon Ricky Talabis Salosa , KISLAP: SANAYANG AKLAT TUNGO SA KASANAYANG KRITIKAL AT ANALITIKAL NG MGA MAG-AARAL , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 485 - 503 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784102730771-53.EPRA28666.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.