Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

KONTEKSTWALISADONG MODYUL SA PANITIKAN: PAGLINANG NG KASANAYAN SA PAG-UNAWA BATAY SA PISA FRAMEWORK

📘 Volume 12 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Ailyn N. Rances 1 , Medelyn M. Montenegro 2
1. Clarence Ty Pimentel National High School, Tago, Philippines,
2. North Eastern Mindanao State University, Tandag City, Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong bumuo at magsuri ng isang kontekstwalisadong modyul sa Panitikan batay sa PISA Framework upang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa, pag-unawa, pagsusuri, interpretasyon, at kritikal na pagninilay. Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibo-analitikal na disenyo na may halo-halong pamamaraan o mixed-methods approach. Kabilang sa mga respondente ang 208 mag-aaral, limang guro, at limang eksperto mula sa Clarence Ty Pimentel National High School, Gamut National High School, at Purisima National High School sa Distrito ng Tago, Surigao del Sur. Ginamit ang talatanungan, bukas na tanong, weighted mean, thematic at narrative analysis, at Spearman Rank-Order Correlation upang masukat ang kalidad, pagtanggap, at kaugnayan ng pagtataya sa modyul. Lumabas sa resulta na ang modyul ay lubos na mabisa sa paglinang ng kasanayan sa pag-unawa, na may kabuuang weighted mean na 4.46. Mataas din ang pagkakaayon nito sa PISA Framework, lalo na sa nilalaman, kontekstuwalisasyon, proseso ng pagbasa, antas ng kognitibong kasanayan, at pagtataya. Ipinakita rin ng pagsusuri na may makabuluhan at napakataas na positibong kaugnayan sa pagtataya ng mga guro at mag-aaral sa wika, nilalaman, at disenyo ng modyul. Bagama’t positibo ang kabuuang pagtanggap, lumitaw pa rin ang pangangailangang linawin ang ilang panuto, dagdagan ang halimbawa, at paunlarin ang disenyo ng materyal. Sa kabuuan, napatunayan na ang kontekstwalisadong modyul ay isang makabuluhan, angkop, at learner-centered na kagamitang pampagtuturo sa Filipino 10.

🏷️ Keywords

Kontekstwalisadong Modyul Panitikan PISA Framework Pag-unawa sa Binasa Filipino 10 Kagamitang Pampagtuturo

🔗 DOI

DOI - (https://doi.org/10.36713/epra28316)

📚 How to Cite:

Ailyn N. Rances, Medelyn M. Montenegro , KONTEKSTWALISADONG MODYUL SA PANITIKAN: PAGLINANG NG KASANAYAN SA PAG-UNAWA BATAY SA PISA FRAMEWORK , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 309 - 312 , DOI: https://doi.org/10.36713/epra28316

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1781194715365-48.EPRA28316.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.