📄 Abstract
Isinagawa ang descriptive-correlational na pag-aaral na ito upang suriin ang ugnayan sa pagitan ng lawak ng bokabularyo at antas ng pag-unawa ng piling pampublikong mag-aaral sa Filipino 9. Nakabatay ito sa paniniwalang ang kakayahan ng mga mag-aaral na bigyan ng angkop na kahulugan ang mga terminong binabasa ay mayroong malaking impluwensiya sa kakayahan nitong unawain ang kabuuang mensahe ng teksto. Natuklasan mula sa pag-aaral na karamihan sa mga mag-aaral ay nasa antas na pagkabigo o frustration sa kasanayan sa bokabularyo habang nasa lebel naman na instructional sa antas ng pag-unawa. Napatunayan sa pananaliksik na mayroong sapat na ebidensiyang estadistika upang masabing mayroong makabuluhan at direktang ugnayan ang kasanayan sa bokabularyo at antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral. Nangangahulugan ito na ang pagkakaroon ng mga mag-aaral ng sapat na kakayahan upang bigyang kahulugan ang mga terminong ginagamit sa teksto ay nakatutulong upang higit na mapataan ang antas ng pag-unawa. Dahil dito, iminumungkahi ang pagsasagawa ng interbensiyon upang mapaunlad ang kasanayan sa bokabularyo ng mga mag-aaral.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Christian R. Sunio, Dr. Rodel B. Guzman , LAWAK NG BOKABULARYO AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG PILING PAMPUBLIKONG MAG-AARAL SA FILIPINO , Volume 10 , Issue 4, april 2024, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra16434