☰
Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

LIKSYUNARYO SA PAGTATASA NG LEKSIKAL NA INOBASYON NG MGA MAKABAGONG SALITA SA FILIPINO

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Anna Rose Magno Dacillo 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines,

📄 Abstract

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng “Liksyunaryo sa Pagtatasa ng Leksikal na Inobasyon ng mga Makabagong Salita sa Filipino” na may layuning matukoy ang antas, ugnayan, at epekto nito sa leksikal na inobasyon at sa pagganap ng mga mag-aaral. Sinuri din ng pananaliksik na ito ang antas ng Liksyunaryo at Inobasyon ng mga Makabagong Salita sa Filipino batay sa mga baryabol at tinaya ang pagganap ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsusulit. Samantala, ginalugad din ang makabuluhang ugnayan ng mga baryabol at ang epekto ng mga ito sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Gamit ang Deskriptibong Korelasyonal na disenyo, lumapit ang mananaliksik sa (103) mga mag-aaral mula sa ika-8 baitang sa San Francisco Integrated National High School gamit ang Purposive Sampling Technique. Gumamit ang mananaliksik ng tseklist at pagsusulit bilang pangunahing instrumento at ang mga nakalap na datos ay sinuri gamit ang Pearson Product-Moment Correlation at Analysis of Variance upang matukoy ang antas, ugnayan, at epekto ng mga baryabol sa pag-aaral. Batay sa resulta, ang antas ng Liksyunaryo ng umuusbong na salita at Antas ng Leksikal na Inobasyon ay may berbal na interpretasyong Lubhang Mabisa. Samantala, nakita na ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral sa pagsusulit ay may mapaglarawang katumbas na Fairly Satisfactory. Lumabas din na mayroong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng Liksyunaryo at leksikal na inobasyon ng umuusbong na salita samantalang walang makabuluhang epekto ang napagmasdan sa pagitan ng Liksyunaryo at pagganap ng mga mag-aaral. Ipinahihiwatig ng datos na may makabuluhang kaugnayan ang Liksyunaryo sa leksikal na inobasyon kung kaya ang naunang haypotesis ay hindi tinatanggap. Sa kabilang banda, wala itong makabuluhang epekto sa pagganap ng mga mag-aaral kung kaya ang huling haypotesis ay tinatanggap. Nangangahulugan ito na bagama’t nagsisilbing mahalagang sanggunian ang Liksyunaryo sa pagpapalawak ng bokabularyo at pag-unawa sa mga umuusbong na salita, hindi ito sapat na salik upang direktang mapabuti ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Inirerekomenda ng mananaliksik ang masusing pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa nilalaman ng Liksyunaryo upang mapalawak ang bokabularyo at paggamit ng pag-aaral na ito bilang sanggunian upang mas mapayabong pa ang kaalaman sa mga bagong umuusbong na salita sa wikang Filipino.

🏷️ Keywords

Liksyunaryo Pagtatasa Leksikal Inobasyon Filipino

📚 How to Cite:

Anna Rose Magno Dacillo , LIKSYUNARYO SA PAGTATASA NG LEKSIKAL NA INOBASYON NG MGA MAKABAGONG SALITA SA FILIPINO , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 349 - 357 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784051783971-42.EPRA28655.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.