📄 Abstract
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang persepsyon ng mga guro sa kahandaan ng pagtuturo ng panitikan sa asignaturang Filipino batay sa language base approached, paraphrastic approached, information-based approach, personal response approached at moral-philosophical approached. Ang awtput ng pag-aaral ay makabuo ng interbensiyon sa pagtuturo ng literatura sa asignaturang Filipino. Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng pamamaraang paglalarawan. Kwantitatibong desinyo ang ginamit sa pag-aaral at complete enumeration na sampling ang ginamit sa pagpili ng mga sampol. Ang resulta sa kahandaan ng mga guro sa pagtuturo ng literatura sa asignaturang Filipino ay napaka-handa. Inirerekomenda ng mananaliksik na magkakaroon pa ng mga relevant trining, seminar at kumperensiya hinggil sa pagtuturo ng panitikan lalong-lalo na sa pagbibigay ng detalye tungkol sa mga elemento ng akdang pampanitikan dahil dito sila mahina.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Erwin R. Bucjan , MGA DULOG SA PAGTUTURO NG PANITIKAN: ISANG PAG-AARAL SA KAHANDAAN NG MGA GURO , Volume 11 , Issue 3, march 2025, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra20501