Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO- KOMPARATIBONG PAG-AARAL

📘 Volume 11 📄 Issue 1 📅 january 2025

👤 Authors

Glydel D. Bastasa, Conie B. Cerna MAEd 1
1. Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, INSTITUTE OF TEACHER EDUCATION, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino na nasa unang taon hanggang pang-apat na taon. Ang pangunahing instrument na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang Vocabulary Learning Strategies Questionnaire na ginawa ni Schmitt?s (1997). Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong disenyo ng kwantitatibong pananaliksik dahil ito ay nagsasangkot lamang ng iisang baryabol upang matukoy ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino. Sa pamamagitan ng random sampling nagkaroon ng kabuoang bilang na 177 mag-aaral na nagsilbing respondente. Lumabas sa resulta na na karamihn sa mag-aaral sa medyor sa Filipino ay nasa 18-19, babae at nasa unang taon sa BSed Filipino. Ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa Mayoryang Filipino ay napag-alamang mataas. Samantalang walang nakitang makabuluhang pagkakaiba sa mga estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino batay sa kanilang edad at antas ng taon. Ngunit nakitang mayroong makabuluhang pagkakaiba batay sa kanilang kasarian. Dahil ang resulta sa pag-aaral na ito ay nagpapakita na may mataas na antas ng estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ang mag-aaral ng mayoryang Filipino, iminungkahi ng mananaliksik na mas palawakin pa ang kakayahan sa estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan sapagkat malaki ang papel nito upang sila ay magiging aktibong makipag-ugnayan o makilahok hindi lang sa gawaing pampagkatuto kundi pati na rin sa lahat.

🏷️ Keywords

talasalitaan estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan mag-aaral sa mayoryang Filipino deskriptib-komparatib

🔗 DOI

View DOI - (https://doi.org/10.36713/epra19856)

📚 How to Cite:

Glydel D. Bastasa, Conie B. Cerna MAEd , MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO- KOMPARATIBONG PAG-AARAL , Volume 11 , Issue 1, january 2025, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra19856

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202501-01-019856.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.