Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

MGA ESTRATEHIYA SA SARILING PAGKATUTO AT PAMPANITIKANG LITERASI NG MGA MAG-AARAL

📘 Volume 12 📄 Issue 4 📅 April 2026

👤 Authors

Janice L. Mara 1
1. Mananaliksik, Rizal Memorial Collges, Inc, filipino, Philippines

📄 Abstract

Isinakatuparan ang pag-aaral na ito upang matukoy ang makabuluhang ugnayan ng mga estratehiya sa sariling pagkatuto at pampanitikang literasi ng mga mag-aaral. Naging kalahok ng pag-aaral ang lahat ng mag-aaral ng ikasiyam na baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Tagakpan, Sangay ng Lungsod ng Davao para sa Taong Panuruan 2021-2022. Sa pag- aaral, ginamit ang kwantitatibo at di-eksperimental na disenyo ng pananaliksik gamit ang deskriptib-korelesyon na metodo. Natuklasan na may mataas na antas ng paggamit ng mga estratehiya sa sariling pagkatuto ang mga mag- aaral. Bagamat mataas ang kabuoan, may dalawang indikeytor na nasa antas kamtamtaman: pagtukoy sa mga gawain at pagtataya at pagkilala. Ang antas ng pampanitikang literasi ng mga mag-aaral ay nasa katamtaman. May makabuluhang ugnayan ang paggamit ng mga estratehiya sa sariling pagkatuto at pampanitikang literasi ng mga mag-aaral. Napatunayan din na ang mga domeyn o indikeytor sa sariling pagkatuto ay may makabuluhang impluwensiya sa antas ng pampanitikang literasi ng mga mag-aaral. Maaaring magbalangkas ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon ng mga polisiya at patakaran para sa isahang pagtuturo-pagkatuto at gumawa ng inisyatiba para malinang ang pampanitikang literasi ng mga mag-aaral. Inirerekomendang magsagawa ng pag-aaral sa hinaharap ukol sa mga estratehiya sa sariling pagkatuto sa bagong normal at pampanitikang literasi ng mga mag-aaral gamit ang iba pang mga indikeytor.

🏷️ Keywords

Sariling Pagkatuto Pampanitikang Literasi Rehiyon XI

📚 How to Cite:

Janice L. Mara , MGA ESTRATEHIYA SA SARILING PAGKATUTO AT PAMPANITIKANG LITERASI NG MGA MAG-AARAL , Volume 12 , Issue 4, April 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202604-01-027270.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.