Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

MGA KASANAYANG RESEPTIB AT EKSPRESIB NG MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL SA KONTEKSTONG BAGONG NORMAL

📘 Volume 11 📄 Issue 1 📅 january 2025

👤 Authors

Ivy Joy D. Ganancial, Rene P. Sultan 1
1. Graduate School, The Rizal Memorial Colleges, Graduate School, Inc., Davao City, Philippines

📄 Abstract

Ang mga makrong kasanayan ay napakahalagang salik na nakaaapekto sa pang-araw-araw na gawain. Ito ay ginagamit sa pag-aaral o pakikipagtalastasan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng wika at ang linaw ng mensahe na nais iparating sa kapuwa. Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral sa senior high school sa kasanayang reseptib at ekspresib. Sinisiyasat nito ang makabuluhang ugnayan na mayroon sa mga kakayahang reseptib at kasanayang ekspresib. Isang descriptive-correlational na disenyo ang ginamit at binubuo ng 175 na mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng Senior High School sa isang pribadong paaralan sa lungsod ng Davao. Isang pansariling instrumento ang ginamit upang makuha ang mga tugon ng mga mag-aaral. Mean at Pearson Product-Moment Correlation ang ginamit sa pagsusuri ng datos. Natuklasan sa pag-aaral na ang pagganap ng mga mag-aaral sa Senior High School sa kasanayang reseptib at ekspresib ay kasiya-siya at inihayag ang pagsusuri na may makabuluhang ugnayan ang dalawang kasanayan. Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng paggamit ng angkop na estratehiya at banghay-aralin sa pagkatuto upang matugunan ang mga nagbabago at magkakaibang pangangailangan ng mga mag-aaral at upang mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa reseptib at ekspresib.

🏷️ Keywords

Kasanayang Ekspresib Kasanayang Ekspresib Lungsod ng Davao

🔗 DOI

View DOI - (https://doi.org/10.36713/epra19622)

📚 How to Cite:

Ivy Joy D. Ganancial, Rene P. Sultan , MGA KASANAYANG RESEPTIB AT EKSPRESIB NG MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL SA KONTEKSTONG BAGONG NORMAL , Volume 11 , Issue 1, january 2025, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra19622

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202412-01-019622.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.