Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

MGA MABISANG GAWI SA PAGTUTURO AT PAGLIKHA NG KAPALIGIRANG PAMPAGKATUTO

📘 Volume 12 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Anna Mae M. Javellana 1
1. Researcher, Rizal Memorial Colleges, Philippines,

📄 Abstract

Sinasabing nalilikha ang mataas na antas ng pagkatuto kung taglay ng mga guro ang mabisang gawi sa pagtuturo. Itinaguyod ang pag-aaral na ito upang matukoy ang makabuluhang ugnayan ng mabisang gawi sa pagtuturo at paglikha ng kapaligirang pampagkatuto. Ginamit sa pag-aaral ang deskriptib-korelesyong disenyo ng pananaliksik. Ang mga kalahok ay mga gurong nagtuturo ng Filipino sa isang pampublikong sekundaryang paaralan sa Digos City, Rehiyon XI, para sa Taong Panuruan 2021–2022. Gamit ang Mean, Pearson r, at Multiple Regression Analysis, natuklasan na ang antas ng mabisang gawi sa pagtuturo ay katamtaman, samantalang mataas naman ang antas ng paglikha ng kapaligirang pampagkatuto. Lumabas din sa resulta na may makabuluhang ugnayan ang mabisang gawi sa pagtuturo at paglikha ng kapaligirang pampagkatuto. Higit pa rito, napatunayang ang mga indikeytor ng mabisang gawi sa pagtuturo ay may mahalagang impluwensiya sa paglikha ng isang positibo at angkop na kapaligirang pampagkatuto. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda na magpatupad ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon ng mga programang nakatuon sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga guro sa mabisang pagtuturo. Nararapat ding palakasin ang mga gawaing pangpropesyunal na magpapahusay sa iba’t ibang aspekto ng pagtuturo. Maaari ring gamitin ng mga guro ang mga natuklasan bilang batayan sa pagdidisenyo ng mga gawaing pampagkatuto at sa pagpapaunlad ng kanilang mga estratehiya sa pagtuturo. Hinihikayat din ang pagsasama ng mga paksang may kaugnayan sa mabisang gawi sa pagtuturo at paglikha ng kapaligirang pampagkatuto sa mga Learning Action Cell (LAC) session upang higit pang mapaunlad ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto.

🏷️ Keywords

mabisang gawi sa pagtuturo kapaligirang pampagkatuto pagkatuto guro korelesyon.

📚 How to Cite:

Anna Mae M. Javellana , MGA MABISANG GAWI SA PAGTUTURO AT PAGLIKHA NG KAPALIGIRANG PAMPAGKATUTO , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 731 - 738 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1782328888274-111.EPRA 28416.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.