Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

MGA PATNUBAY SA PAGTUTURO AT PAGTATAGUYOD NG INTERAKTIBONG SITWASYON SA PAG-AARAL

📘 Volume 12 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Irene C. Diez 1
1. Researcher, Rizal Memorial Colleges, Philippines,

📄 Abstract

Isinakatuparan ang pag-aaral na ito upang matukoy ang makabuluhang ugnayan ng patnubay sa pagtututro at interaktibong sitwasyon sa pag-aaral gamit ang deskriptib-korelesyon na disenyo sa mga piling paaralang sekundarya ng Sangay ng Davao del Sur, Taong Panuruan 2021-2022. May 51 kalahok ang pag-aaral na sumagot instrumento ng pananaliksik. Sa pagsusuri ng mga datos, ginamit ang mean, pearson r at multiple regression analysis. Mataas ang lawak ng patnubay sa pagtuturo at pagtataguyod ng interaktibong sitwasyon sa pag-aaral. May makabuluhang ugnayan ang patnubay sa pagtuturo at pagtataguyod ng interaktibong sitwasyon sa pagaaral. Dagdag pa, ang mga domeyn ng patnubay sa pagtuturo ay may makabuluhang impluwensiya sa pagtataguyod ng interaktibong sitwasyon sa pag-aaral. Batay sa kinlabasan, maaaring magbalangkas ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon ng mga polisiya at patakaran para sa patnubay sa pagtuturo at pagtataguyod ng interaktibong sitwasyon sa pag-aaral. Nararapat patatagin ng Kagawaran ang mga programang nagpapaunlad sa pagsisinop ng kurikulum at pagpapayabong sa mga gawaing pampagkatuto. Ilakip din sa mga programang panlinang ng mga punong-guro ang tatas sa paggamit ng wika. Ang mga punong-guro ay maaaring magbalangkas ng mga pagsasanay na may diin sa pagtataguyod ng interaktibong sitwasyon sa pag-aaral na nakapokus sa pagpapatibay sa kahusayan sa pagbibigay pidbak sa mga mag-aaral hinggil sa kanilang akademikong pag-unlad.

🏷️ Keywords

Patnubay sa Pagtuturo Interaktibong Sitwasyon sa Pag-aaral

📚 How to Cite:

Irene C. Diez , MGA PATNUBAY SA PAGTUTURO AT PAGTATAGUYOD NG INTERAKTIBONG SITWASYON SA PAG-AARAL , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 543 - 553 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1781773536931-81.EPRA 28415.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.