Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

MGA PRAKTIS SA PORMATIBONG PAGTATAYA AT PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA LAGUMANG PAGSUSULIT PANGNILALAMAN SA FILIPINO

📘 Volume 12 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Jeramie L. Villegas 1
1. Researcher, Rizal Memorial Colleges, Inc, Davao City, Philippines,

📄 Abstract

Isinakatuparan ang pag-aaral na ito upang matukoy ang makabuluhang ugnayan ng mga praktis sa pormatibong pagtataya at pagganap ng mga mag-aaral sa lagumang pagsusulit pangnilalaman sa Filipino. Ginamit sa pag-aaral ang deskriptib-korelesyon na disenyo ng pananaliksik. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mga gurong nagtuturo ng Filipino sa mga paaralang sakop ng Sta. Cruz, Sangay ng Davao del Sur para sa Taong Panuruan 2021–2022. Ginamit ang total enumeration kung saan ang buong populasyon ng mga gurong nagtuturo ng Filipino sa Baitang 9 ay naging kalahok ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng Mean, Pearson r, at Multiple Regression, natuklasan na mataas ang antas ng praktis ng mga guro sa pormatibong pagtataya at mataas din ang pagganap ng mga mag-aaral sa lagumang pagsusulit pangnilalaman sa Filipino para sa una at ikalawang markahan sa Baitang 9. Nabunyag din na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng praktis ng mga guro sa pormatibong pagtataya at pagganap ng mga mag-aaral sa lagumang pagsusulit pangnilalaman sa Filipino. Higit pa rito, ang mga praktis sa pormatibong pagtataya ay may makabuluhang impluwensiya sa pagganap ng mga mag-aaral sa lagumang pagsusulit pangnilalaman. Batay sa mga natuklasan, maaaring magbalangkas ang Kagawaran ng Edukasyon ng mga polisiya at programang magpapalakas sa pagpapatupad ng pormatibong pagtataya, lalo na sa pagpapaliwanag sa mga mag-aaral ng kanilang antas ng pagkatuto, lawak ng kahusayan, at wastong pagsusuri sa resulta ng mga pagsusulit.

🏷️ Keywords

Pormatibong Pagtataya Lagumang Pagsusulit Pangnilalaman

📚 How to Cite:

Jeramie L. Villegas , MGA PRAKTIS SA PORMATIBONG PAGTATAYA AT PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA LAGUMANG PAGSUSULIT PANGNILALAMAN SA FILIPINO , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 739 - 748 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1782328995859-112.EPRA 28419.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.