Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

MGA SAYSAY NG GAMIPIKASYON: PAGDALUMAT SA MGA KARANASAN AT HAMON SA PAGTUTURO

📘 Volume 12 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Erlen G. Manait 1
1. TEACHER, MASTER OF ARTS IN TEACHING FILIPINO, RIZAL MEMORIAL COLLEGE INC.

📄 Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na mailarawan ang mga karanasan ng mga guro sa paggamit ng gamipikasyon upang makaangkop sa pagtuturo ng asignaturang Filipino; matukoy ang mga hamon na nararanasan ng mga guro sa paggamit ng gamipikasyon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino; at makabuo at makapaglahad ng mga kuro-kuro o pag-unawa batay sa karanasan at hamon ng mga guro sa paggamit ng gamipikasyon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ginamit sa pag-aaral ang kuwalitatibong disenyo sa pamamagitan ng pasalitang kasaysayan at pagsusuring tematiko. Ang mga datos ay nakalap mula sa malalalim na panayam sa mga piling kalahok na may karanasan sa paggamit ng gamipikasyon. Sinuri ang mga salaysay upang mabuo ang mga pangunahing tema at sentral na idea kaugnay ng mga saysay ng gamipikasyon sa pagtuturo. Natuklasan sa pag-aaral na ang paggamit ng gamipikasyon sa pagtuturo ay maaaring maging mabisang paraan upang mapataas ang motibasyon, interes, at aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto. Mahalagang maisaalang-alang ng mga guro ang paggamit ng mga elemento tulad ng puntos, gantimpala, talaan ng nangunguna, at interaktibong gawain upang makalikha ng mas makahulugan, masaya, at nakasentro sa mga mag-aaral na kapaligiran sa silid-aralan. Iminumungkahi na hikayatin ang mga paaralan at institusyon na magsagawa ng tuloy-tuloy na palihan, at pagsasanay upang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga guro sa paggamit ng gamipikasyon.

🏷️ Keywords

Saysay Gamipikasyon Pagdalumat Karanasan Hamon Sangay Ng Lungsod Ng Davao

📚 How to Cite:

Erlen G. Manait , MGA SAYSAY NG GAMIPIKASYON: PAGDALUMAT SA MGA KARANASAN AT HAMON SA PAGTUTURO , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 166 - 180 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1780941812308-26.EPRA28182.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.