📄 Abstract
Sinuri ng pag-aaral na ito ang mga karanasan, hamon, at mga estratehiya ng mga mag-aaral sa paggamit ng worksheets sa asignaturang Filipino sa Ika-12 Baitang sa isang pampublikong paaralan; matukoy ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng worksheets, hamon na kanilang naranasan, mekanismo at estratehiya upang matugunan ang mga hamon sa paggamit nito. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong disenyo ng pananaliksik na nakabatay sa transcendental phenomenology. Anim na mag-aaral sa Ika-12 Baitang ang napili sa pamamagitan ng purposive sampling at maximum variation sampling upang kumatawan sa iba’t ibang antas ng akademikong pagganap. Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng malalim na panayam gamit ang gabay na tanong. Gumamit ng audio recording at field notes, ang transkripsiyon ay patutunayan gamit ang member checking. Gamit ang thematic analysis nina Braun at Clarke, lumitaw sa resulta ang anim na tema: (1) mga gamit at benepisyo ng worksheets sa pagkatuto, (2) mga hadlang at suliranin sa paggamit ng worksheets, (3) mga sariling estratehiya sa pagkatuto, (4) mga mekanismo ng pag-angkop at suporta sa pagkatuto, (5) mga estratehiya sa pamamahala ng gawain at oras, at (6) balanse ng positibo at negatibong karanasan sa paggamit ng worksheets. Natuklasan na nakatulong ang worksheets sa pagpapaunlad ng pagkatuto, subalit nagkaroon din ng mga hamon tulad ng kahirapan sa wika, kalabuan ng panuto, at labis na gawain. Lumitaw rin na gumamit ang mga mag-aaral ng iba’t ibang estratehiya tulad ng kolaborasyon, self-directed learning, at paggamit ng digital na sanggunian upang malampasan ang mga suliranin. Napatunayan na ang worksheets ay naging epektibong kagamitang pampagkatuto sa Filipino, ngunit ang bisa nito ay nakasalalay sa malinaw na disenyo, angkop na antas ng kahirapan, at sapat na suportang akademiko.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Rhea Mae D. Gajo, Raymund L. Santiago, PhD , PAG-UNAWA SA BINASA: MGA HAMON AT MEKANISMO SA PAGGAMIT NG WORKSHEETS SA FILIPINO , Volume 12 , Issue 8, August 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 708 - 720 , DOI: https://doi.org/10.36713/epra31332