Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

PAGGALUGAD SA MGA KARANASAN NG MGA GURO NA NASA GINTONG PANAHONG NG PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO GAMIT ANG MAKABAGONG LARONG PANG-EDUKASYON

📘 Volume 12 📄 Issue 1 📅 January 2026

👤 Authors

Felix Jr L. Umantod LPT , Vicente A. Pines PhD 1
1. St. Mary’s College of Tagum, Inc., Graduate School, Tagum City, Philippines

📄 Abstract

Layunin ng penomenolohiyang pananaliksik na ito ay masuri, matukoy, at maunawaan ang karanasan ng labing-apat (14) na guro na nasa gintong panahon ng pagtuturo sa paggamit ng makabagong larong pang-edukasyon bilang makabagong pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga pampribadong paaralan ng Bayan ng Laak, Laak Davao De Oro. Dagdag pa, ang ginawang pananaliksik ay makapagbibigay-gabay tugon at solusyon sa mga hamong nararanasan ng mga gurong nasa gintong panahon ng pagtuturo sa paggamit ng makabagong larong pang-edukasyon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang labing-apat (14) na naging partisipante sa penomenolohikal na pag-aaral na ito ay pinili gamit ang purposive sampling. Ang mga tugon na nakalap gamit ang pinalalim na panayam at pangkatang talakayan ay sinuri gamit ang tematikong pag-aanalisa. Ang mga nasuring pahayag tungkol sa karanasan ng mga guro na nasa gintong panahon ng pagtuturo sa paggamit ng mga makabagong larong pag-edukasyon sa aignaturang Filipino ay kakulangan ng kaalaman at kasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya, kakulangan sapat na kagamitan, hamon sa integrasyon ng laro sa asignatura, at kawalan nang sapat na panahon sa paghahanda. Tungkol naman sa tanong kung anong mga tugon ng mga guro na nasa gintong panahon ng pagtuturo sa paggamit ng mga makabagong larong pang-edukasyon ang mga nabuong tema ay pakikiangkop upang matuto, pagsasagawa ng kolaboratibong pagkatuto, at pagpapalawig ng kaalaman. Ang mga pangunahing tema na pagiging bukas sa pag-unlad, pagkaroon ng kumpiyansya sa sarili, pagtugon sa pangangailangan at paglalaan ng panahon sa pagsasakatuparan ang lumitaw tungkol sa mithiin ng mga guo na nasa gintong panahon ng pagtuturo sa paggamit ng makabagong larong pang-edukasyon.

🏷️ Keywords

Guro Na Nasa Gintong Panahon Makabagong Larong Pang-Edukasyon Asignaturang Filipino Penomenolohiya Tematikong Paggalugad Pampribadong Paaralan Bayan Ng Laak Davao De Oro

🔗 DOI

View DOI - (https://doi.org/10.36713/epra25630)

📚 How to Cite:

Felix Jr L. Umantod LPT , Vicente A. Pines PhD , PAGGALUGAD SA MGA KARANASAN NG MGA GURO NA NASA GINTONG PANAHONG NG PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO GAMIT ANG MAKABAGONG LARONG PANG-EDUKASYON , Volume 12 , Issue 1, January 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra25630

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202601-01-025630.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.