Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

PAGGAMIT NG MGA LAPIT SA PAGTUTURO NG MGA DI- MAJOR SA FILIPINO

📘 Volume 12 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Dexter E. Montera 1
1. Researcher, Rizal Memorial Colleges, Inc, Philippines,

📄 Abstract

Mahalagang malinang sa mga gurong magpapatupad ng kurikulum ang paggamit ng iba’t ibang lapit sa pagtuturo. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang antas ng paggamit ng mga lapit sa pagtuturo ng mga di-major sa Filipino. Deskriptib-surbey ang disenyo ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral na ang mga kalahok ay ang mga gurong di-major ng Filipino ng mga paaralang sakop ng Sulop at Malalag, Sangay ng Davao del Sur, Rehiyon XI. Sa pagsusuri ng mga datos, ginamit ang Mean, t-test at ANOVA. Napag-alamang ang antas ng paggamit ng mga lapit sa pagtuturo ay katumbas sa mataas na nangangahulugang lubhang kasiya-siya ang paggamit ng mga mga gurong dimajor ng Filipino. Nabunyag din na walang makabuluhang pagkakaiba ang paggamit ng mga lapit sa pagtuturo ng mga di-major sa Filipino kung papangkatin ayon sa kasarian, bilang ng taon sa pagtuturo at major. Batay sa kinalabasan, maaaring magbalangkas ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon ng mga polisiya at patakaran para sa pagpapaunlad ng yamangtao ukol sa paggamit ng mga lapit sa pagtuturo lalo na para sa mga di-major. Maaaring isama ito sa mga palatuntunang pampagtuturo o sa developmental plan ng mga guro sa Filipino. Ang mga punong-guro na nangangasiwa sa mga paaralan ay maaaring magbalangkas ng mga school-based na pagsasanay na may diin sa pagpapahusay sa kasanayan ng mga guro sa Filipino sa paggamit ng iba’t ibang lapit.

🏷️ Keywords

Mga Lapit sa Pagtuturo Di-Major sa Filipino Lungsod ng Davao

📚 How to Cite:

Dexter E. Montera , PAGGAMIT NG MGA LAPIT SA PAGTUTURO NG MGA DI- MAJOR SA FILIPINO , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 520 - 530 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1781773266937-79.EPRA28417.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.