Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

PAGGAMIT NG UNANG WIKA SA BERBAL NA PAKIKIPAGTALASTASAN AT SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL

📘 Volume 12 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Cherrybeth V. Gapusan 1
1. TEACHER, MASTER OF ARTS IN TEACHING FILIPINO, RIZAL MEMORIAL COLLEGE INC.

📄 Abstract

Layunin nitong matukoy ang antas ng paggamit ng unang wika batay sa silid-aralan, pag-unawa at pagkatuto, at paglinang ng kasanayan sa ikalawang wika, gayundin ang antas ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral batay sa pag-unawa sa aralin, kasanayan sa wika, at resulta ng pagsusuri at akademikong marka. Gumamit ang mananaliksik ng kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik, partikular ang deskriptibo-korelasyonal na pamamaraan. Ang mga kalahok ay binubuo ng mga guro sa ikaanim na baitang mula sa Distrito ng Jose Abad Santos na pinili gamit ang stratified random sampling. Ang datos ay nakalap sa pamamagitan ng beripikadong talatanungan at sinuri gamit ang mean, standard deviation, at Pearson r upang matukoy ang ugnayan ng mga baryabol. Batay sa resulta ng pag-aaral, lumabas na mataas ang antas ng paggamit ng unang wika sa berbal na komunikasyon ng mga mag-aaral at mataas din ang kanilang akademikong pagganap. Natuklasan din na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng paggamit ng unang wika at akademikong pagganap, lalo na sa pag-unawa sa aralin at kasanayan sa wika. Ipinakita ng pag-aaral na ang paggamit ng unang wika ay nakatutulong sa pagpapalalim ng pag-unawa, pagpapataas ng kumpiyansa, at pagpapabuti ng pakikilahok ng mga mag-aaral sa klase. Kaugnay nito, inirerekomenda na higit pang palakasin ng mga guro at paaralan ang estratehikong paggamit ng unang wika bilang pantulong na midyum sa pagtuturo upang higit na mapaunlad ang pagkatuto at akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

🏷️ Keywords

Unang Wika Berbal Na Pakikipagtalastasan Akademikong Pagganap Pagkatuto Kasanayan Sa Wika Sangay Ng Lungsod Ng Davao

📚 How to Cite:

Cherrybeth V. Gapusan , PAGGAMIT NG UNANG WIKA SA BERBAL NA PAKIKIPAGTALASTASAN AT SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 181 - 195 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1780942034879-27.EPRA28233.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.