📄 Abstract
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa antas ng Pagpapahusay ng Pag-unawa sa Panitikang Filipino sa Kakayahang Pangwika at Paglinang ng Kulturang Filipino. Nilalayon nito na masagot ang mga sumusunod na katanungan. Ang antas ng Pagpapahusay ng Pag-unawa sa Panitikang Filipino batay sa Kakayahang Tukuyin ang Tema at Mensahe, Pagpapakahulugan sa Simbolismo, Pag-uugnay ng Akda sa Konteksto at Replektibong Pag-iisip. Sumunod ay ang antas ng Kakayahang Pangwika batay sa Wastong Gamit ng mga Salita, Kohesyon ng Ideya, Kayarian ng mga Salita, Pagbabaybay at Pagbuo ng Pangungusap. Ang antas ng Paglinang ng Kulturang Filipino ng mga mag-aaral batay sa Pagkakaroon ng Interes, Pagbabahagi, Pagsasabuhay, Pagpapahalaga at Pagtanggap. Inalam din ng mananaliksik kung makabuluhang kaugnayan ba ang Pagpapahusay ng Pag-unawa sa Panitikang Filipino at Kakayahang Pangwika ng mga Mag-aaral. Sa huli, kung may makabuluhang kaugnayan ba ang Pagpapahusay ng Pag-unawa sa Panitikang Filipino at Paglinang ng Kulturang Filipino ng mga Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong korelasyonal upang malaman ang kaugnayan ng Pagpapahusay ng Pag-unawa sa Panitikang Filipino sa Kakayang Pangwika at Paglinang ng Kulturang Filipino. Purposive sampling sa isandaan at dalawampung (120) na mag-aaral bilang mga respondente. Ang mga datos ay sinuri gamit ang weighted mean, standard deviation, at Pearson Product Moment Correlation Coefficient upang matukoy ang antas at ugnayan ng mga baryabol sa pag-aaral. Batay sa resulta ng pag-aaral, ang antas ng pagpapahusay ng pag-unawa sa Panitikang Filipino ay nakakuha ng tugon na lubos na katanggap-tanggap. Sumunod dito ay Kakayahang Pangwika na nagtamo ng tugon na lubos na katanggap-tanggap. Nakakuha rin ang paglinang ng kulturang Filipino ng lubos na katanggap-tanggap. Lumabas na may makabuluhang kaugnayan ang Pagpapahusay ng Pag-unawa sa Panitikang Filipino sa Kakayahang Pangwika at Paglinang ng Kulturang Filipino. May Makabuluhang Kaugnayan sa pagitan ng Pagpapahusay ng Pag-unawa sa Panitikang Filipino sa Kakayahang Pangwika at Paglinang ng Kulturang Filipino, ang mga haypoteses ay hindi tinatanggap. Ito ay nangangahulugan na ang mga akdang pampanitikan ay nakatutulong sa mas malinaw, wasto at epektibong paggamit ng Wikang Filipino sa pagsasalita at pagsulat. Ang paghimok sa mga mag-aaral na maging aktibo sa paglahok sa mga gawaing pampanitikan tulad ng pagbabasa, pagsusuri at pagbabahagi upang mapalalim ang kanilang pag-unawa sa panitikan, mapahusay ang paggamit ng wikang Filipino, at maisabuhay ang mga pagpapahalagang kultural. Gayundin, maaaring gamitin ng mga susunod na mananaliksik ang kaugnay na pag-aaral na tumutukoy sa iba pang estratehiya sa pagtuturo ng panitikang Filipino o sa iba’t ibang antas ng edukasyon.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Thea Aina Marie Macatangay Absena , PAGPAPAHUSAY NG PAG-UNAWA SA PANITIKANG FILIPINO SA KAKAYAHANG PANGWIKA AT PAGLINANG NG KULTURANG FILIPINO , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 252 - 263 ,