Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

PAGTATASA NG PORMAL NA PAGPAPAHAYAG AT SALITANG BALBAL SA AKADEMIKONG PAGSULAT AT PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Ana Gliza Hernandez Comendador 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009, Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang pagtatasa ng pormal na pagpapahayag at paggamit ng salitang balbal kaugnay ng akademikong pagsulat at pagganap ng mga mag-aaral. Tinutukoy nito ang antas ng pormal na pagpapahayag batay sa kalinawan ng ideya, gramatika, at pormalidad, gayundin ang paggamit ng salitang balbal ayon sa dalas, anyo, at konteksto. Sinusuri rin ang antas ng akademikong pagsulat at pagganap sa pasulat na pagsusulit. Layunin din ng pag-aaral na alamin kung may makabuluhang kaugnayan at epekto ang pormal na pagpapahayag at salitang balbal sa akademikong pagsulat at pagganap ng mga mag-aaral. Gumamit sa pananaliksik na ito ng deskriptibo at korelasyonal na disenyo upang matukoy ang antas ng mga baryabol at ang ugnayan ng mga ito sa pagganap ng mga mag-aaral sa pasulat na pagsusulit. Kabilang sa mga respondente ang 100 piling mag-aaral sa Baitang 8 ng Linga National High School sa Brgy. Linga, Pila, Laguna, na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ginamit ang talatanungan at pasulat na pagsusulit upang masukat ang antas ng pormal na pagpapahayag at paggamit ng salitang balbal. Sa pagsusuri ng datos, ginamit ang mean, standard deviation, Pearson Product-Moment Correlation Coefficient, at Analysis of Variance (ANOVA). Batay sa pinagsamang datos ng Pagtatasa ng Pormal na Pagpapahayag at Akademikong Pagsulat ng mga mag-aaral na may berbal na interpretasyonng Lubhang Mabisa ay ipinakita ng resulta na mataas ang antas ng Pormal na Pagpapahayag at Akademikong pagsulat ng mga mag-aaral sa lahat ng sinuring aspeto. Samantalang sa pinagsamang datos ng Pagtatasa ng Salitang Balbal na may berbal na interpretasyong Mabisa. Ipinakita nito sa pangkalahatan na epektibo ang paggamit ng salitang balbal sa iba’t ibang aspeto. Sa pangkalahatang pagganap sa pasulat na pagsusulit ay Outstanding. Isinasaad nito na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng Pagtatasa ng Pormal na Pagpapahayag at Salitang Balbal sa Akademikong Pagsulat kung kaya’t ang unang haypoteses ay hindi tinanggap. Nangangahulugan lamang ito na ang madalas na paggamit at wastong aplikasyon ng pormal na wika at salitang balbal ay nakapagpapabuti sa akademikong pagsulat at pangkalahatang pagganap ng mag-aaral. Isinasaad din ng pag-aaral na may makabuluhang epekto ang Pagtatasa ng Pormal na Pagpapahayag at Salitang Balbal sa Pagganap ng mga Mag-aaral kaya naman ang ikalawang haypoteses ay hindi tinanggap. Sa kadahilanang ito ay nagpapakita na ang kasanayan sa wika ay may direktang impluwesiya sa kanilang akademikong resulta. Inirerekomenda sa mga mag-aaral ang pagpapatuloy ng pagsasanay sa malinaw at organisadong pormal na pagpapahayag, gayundin ang wastong paggamit ng salitang balbal sa angkop na konteksto, upang higit pang mapaunlad ang kasanayan sa akademikong pagsulat ng mga mag-aaral.

🏷️ Keywords

Pormal na Pagpapahayag Salitang Balbal Akademikong Pagsulat Pagganap ng Mag-aaral Filipino

📚 How to Cite:

Ana Gliza Hernandez Comendador , PAGTATASA NG PORMAL NA PAGPAPAHAYAG AT SALITANG BALBAL SA AKADEMIKONG PAGSULAT AT PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 321 - 335 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784019008346-40.EPRA28653.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.