☰
Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

PANITIKANG LOKAL NG CALAMBA SA PAGTUTURO NG WIKA AT KULTURA SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Rodalyn Pantoja Mercado 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa “Panitikang Lokal ng Calamba sa pagtuturo ng Wika at Kultura at sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral”. Layunin nito matukoy ang antas ng Panitikang Lokal ng Calamba batay sa bahagi ayon sa layunin, paksa, pagsasanay, pagtataya at repleksyon. Sumunod ay ang antas ng Panitikang Lokal ng Calamba batay sa katangian ayon sa kaangkupan, hikayat sa gamit, teknikal na pormat at disenyo. Sinuri rin rito ang antas ng pagtuturo ng wika at Kultura batay sa kasanayan sa wika, paggamit ng wika, paggamit ng lokal na wika, kontekstong kultural, pagkakakilanlan ng kulturang Pilipino at pagpapahalaga sa kultura. Layunin din nito na matukoy ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa pagsusulit. Dagdag pa rito tinukoy rin ng pananaliksik na ito ang makabuluhang-ugnayan ng Panitikang Lokal ng Calamba sa Pagtuturo ng Wika at Kultura at makabuluhang epekto ng Panitikang Lokal ng Calamba sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumamit ng deskriptibong-korelasyonal na paraan at Purposive Sampling Technique. Ang mga tagatugon sa pag-aaral ay mga mag-aaral sa ika-8 baitang na may dalawaangdaan at pito (207) ng Makiling Integrated School bilang tagatugon ng pag-aaral. Gumamit ng angkop na istatistikal na pamamaran tulad ng Weighted Mean at Standard Deviation, Frequency at Percentage, Pearson Product-Moment Correlation Coefficient (Pearson r) at Multiple Regression Analysis. Batay sa mga isinagawang pagsusuri natuklasan na Lubhang Mabisa ang Panitikang Lokal ng Calamba batay sa bahagi ng modyul. Bukod dito, Lubhang Mabisa rin ang antas ng Panitikang Lokal ng Calamba batay sa katangian ng modyul. Sa aspekto ng pagtuturo, Lubhang Mabisa ang antas ng pagtuturo ng wika at kultura sa iba’t ibang salik. Gayundin, kasiya-siya ang pagganap ng mga mag-aaral sa aspeto ng pagkatuto batay sa pagsusulit. Isinasaad na may makabuluhang ugnayan ang Panitikang Lokal ng Calamba sa pagtuturo ng Wika at Kultura. Isinasaad din ng pag-aaral na walang makabuluhang epekto ang Panitikang Lokal ng Calamba sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa pagsusulit. May makabuluhang kaugnayan ang Panitikang Lokal ng Calamba sa pagtuturo ng wika at kultura kaya ang haypotesis ay hindi tinanggap. Samakatuwid, ang paggamit ng Panitikang Lokal ng Calamba sa pagtuturo ng wika at kultura ay nagtataguyod ng holistikong pagkatuto—isang proseso na nakasentro sa mag-aaral, nakaugat sa lokal na karanasan. Walang makabuluhang epekto ang Panitikang Lokal ng Calamba sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa pagsusulit ay tinanggap. Nangangahulugan na ang paggamit ng panitikang lokal ay hindi nagdulot ng malinaw na pagbabago o pagtaas sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa ganitong kalagayan, ang panitikang lokal ay maaaring nagkaroon ng papel bilang karagdagang materyal, ngunit hindi ito naging sapat na salik upang makaimpluwensiya nang direkta sa kanilang pagganap sa pagsusulit. Iminungkahi ng mananaliksik ang patuloy na paggamit ng Panitikang Lokal sa mga leksyon, mas aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga gawaing pampanitikan at pangkultura.

🏷️ Keywords

Panitikan Lokal ng Calamba Wika Kultura Pagkatuto Pagtuturo

📚 How to Cite:

Rodalyn Pantoja Mercado , PANITIKANG LOKAL NG CALAMBA SA PAGTUTURO NG WIKA AT KULTURA SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 426 - 439 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784102088929-48.EPRA28661.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.