📄 Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong saliksikin ang Pelikulang Pangkasaysayan: Pagsasanay sa Panunuring Pampanitikan, Paghubog sa Pagkatao, at Pagpapalalim sa Pag-unawa ng mga Mag-aaral”. Sinuri ang katatayuan ng pelikulang pangkasaysayan at antas ng pagsasanay sa panunuring pampanitikan. Tinukoy din ang antas ng paghubog sa pagkatao at pagpapalalim sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Binigyang pansin ang antas ng pagganap batay sa pagsusulit. Maging ang makabuluhang kaugnayan sa paghubog sa pagkatao, pagpapalalim sa pag-unawa, at pagganap ng mga mag-aaral. Kasama rin sa pag-aaral ang makabuluhang kaugnayan sa pagsasanay sa panunuring pampanitikan sa paghubog ng pagkatao, pagpapalalim sa pag-unawa at ang makabuluhang epekto sa pagganap ng mga mag-aaral ay nabanggit sa baryabol. Gumamit ang pag-aaral ng Dekriptibo-korelasyon na disenyo ng pananaliksik. Ang mga datos ay nakalap mula sa apatnapu’t tatlong (43) piling mag-aaral mula sa Calamba Bayside Integrated School, sa pamamagitan ng sariling gawang talatanungan at pagsusulit bilang mga pangunahing instrumento. Ginamit ang frequency, mean, standard deviation at Pearson Product–Moment Correlation upang makalap ang mga datos. Batay sa mga resulta, ipinakita na mataas ang katatayuan at antas ng pagsasanay sa panunuring pampanitikan sa pelikulang pangkasaysayan sa lahat ng dimensyon. Natukoy din na mataas ang antas ng paghubog sa pagkatao ng mga mag-aaral at pagpapalalim sa pag-unawa. Gayundin, ang pagganap ng mga mag-aaral. Sa usapin ng ugnayan, natuklasan na may makabuluhang ugnayan ang pelikulang pangkasaysayan sa paghubog at pagpapalalim sa pag-unawa. Samantala, walang makabuluhang kaugnayan ang pagganap ng mga mag-aaral. Gayundin, ang pagsasanay sa panunuring pampanitikan sa paghubog, pagpapalalim sa pag-unawa at pagganap ng mga mag-aaral. Napatunayan na, may makabuluhang kaugnayan ang pelikulang pangkasaysayan sa panunuring pampanitikan sa paghubog ng pagkatao, at pagpapalalim sa pag-unawa ng mga mag-aaral kung kaya ang haypoteses ay hindi tinatanggap. Bilang konklusyon, ang pelikulang pangkasaysayan ay epektibong daluyan ng edukasyon at mahalagang bahagi ng panunuring pampanitikan na nakatutulong sa paghubog ng makabuluhang kaalaman sa mga mag-aaral. Samantalang, walang makabuluhang kaugnayan ang pelikulang pangkasaysayan sa pagganap, paghubog sa pagkatao at pagpapalalim sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito, lumitaw na ang pelikulang pangkasaysayan ay walang makabuluhang epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Dahil dito, ang haypoteses ay tinatanggap. Nangangahulugan ito, na nangangailangan ng mas malawak at mas sistematikong pamamaraan sa paggamit ng pelikula upang maging epektibo itong pantulong sa paglinang ng kritikal na pag-iisip at akademikong kasanayan. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang patuloy na paggamit ng pelikulang pangkasaysayan sa pagtuturo, kasama ang mas pinayamang estratehiya sa panunuring pampanitikan upang higit pang mapalalim ang pag-unawa at paghubog sa pagkatao ng mga mag-aaral.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Shalli Mae Arroyo Blaza , PELIKULANG PANGKASAYSAYAN: PAGSASANAY SA PANUNURING PAMPANITIKAN AT PAGHUBOG SA PAGKATAO AT PAGPAPALALIM SA PAG-UNAWA NG MGA MAG-AARAL , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 301 - 320 ,