Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

PILAK: SUPLEMENTARYONG KAGAMITANG PANTURO SA PAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Lysa Buenviaje Javier 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa bisa ng PILAK bilang isang suplementaryong kagamitang panturo sa pagpapaunlad ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa Baitang 4 sa asignaturang Filipino. Inilarawan dito ang antas ng paggamit ng PILAK batay sa mga bahagi nito na kinabibilangan ng inaasahang kaalaman, mga gabay na tanong, pagsasanay, repleksyon, gamit, at katumpakan. Ipinakita rin ang antas ng paggamit ng PILAK bilang kagamitang panturo batay sa katangian nito, partikular sa kaangkupan at disenyo. Bukod dito, tinukoy ang antas ng pagpapaunlad ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa larangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat, gayundin ang antas ng kanilang pagganap sa pagsusulit. Higit pa rito, sinuri kung may makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng PILAK sa pagpapaunlad ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral, at kung may makabuluhang epekto ito sa kanilang pagganap. Ang disenyong ginamit sa pag-aaral na ito ay deskriptibo at korelasyonal. Nilahukan ito ng siyamnapu’t pitong (97) mag-aaral mula sa Paaralang Elementarya ng Pinagbayanan bilang mga tagatugon. Gumamit ng talatanungang binuo ng mananaliksik sa pagkalap ng datos. Ang mga datos na nakalap ay sinuri gamit ang weighted mean, Pearson product-moment correlation, at paired sample t-test upang matukoy ang antas, kaugnayan, at epekto ng mga baryabol na kabilang sa pag-aaral. Ipinakita ng mga datos ang mataas ang antas ng paggamit ng PILAK sa lahat ng bahagi nito, kabilang ang inaasahang kaalaman, mga gabay katangian nito na kaangkupan at disenyo. Ipinakita rin na mataas ang antas ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. At nakamit nila ang antas na Very Satisfactory sa kanilang pagganap sa pagsusulit. Dagdag pa rito, natuklasan na may makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng PILAK sa pagpapaunlad ng kakayahang komunikatibo. Natukoy din na may makabuluhang epekto ang paggamit nito sa pagganap ng mga mag-aaral. Walang makabuluhang ugnayan ang disenyo ng PILAK sa pagpapaunlad ng kakayahang komunikatibo ay hindi tinatanggap. Samantala, walang makabuluhang epekto sa pagganap ng mga mag-aaral kung kaya’t ang haypoteses ay tinatanggap. Ipinahihiwatig nito na ang paggamit ng angkop at makabuluhang kagamitang panturo tulad ng PILAK ay mahalagang salik sa paglinang ng kakayahang komunikatibo ng mag-aaral, at ang pag-unlad sa kakayahang komunikatibo ay hindi lamang nasusukat sa pamamagitan ng tradisyunal na pagsusulit kundi nangangailangan din ng iba pang anyo ng pagtataya. Batay sa resulta ng pag-aaral, inirerekomenda ang patuloy na paggamit at pagpapaunlad ng PILAK, paggamit ng iba’t ibang anyo ng pagtataya, at pagsasagawa ng karagdagang pag-aaral hinggil sa pangmatagalang epekto nito.

🏷️ Keywords

PILAK Kakayahang Komunikatibo Suplementaryong Kagamitan Repleksyon Filipino

📚 How to Cite:

Lysa Buenviaje Javier , PILAK: SUPLEMENTARYONG KAGAMITANG PANTURO SA PAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 371 - 383 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784052216674-44.EPRA28657.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.