Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

PROJECT PARES (PEER ASSISTED READING AND EDUCATION STRATEGIES): INTERBENSYON SA PAGPAPAUNLAD SA KASANAYANG PAGBASA AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA IKA-9 NA BAITANG

📘 Volume 11 📄 Issue 6 📅 june 2025

👤 Authors

Divine P. Deloy, Isyd Mae Labastida, Manny B. Lig-onan 1
1. Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Institute of Teacher Education, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines

📄 Abstract

Ang maaksyong pananaliksik na ito ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagbasa at pagkatuto ng mga mag-aaral sa sekondarya partikular na sa kanilang komprehensyon sa pagbasa. Ang interbensyong PROJECT PARES (Peer-Assisted Reading and Education Strategies): Interbensyon sa Pagpapaunlad sa Kasanayang Pagbasa at Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang ay nakatuon sa kasanayan sa pagbasa at pag-unawa sa binasang teksto gamit ang classroom-based assessment tool na Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI). Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pre-experimental na disenyo na kung saan ito ay gumamit ng paired t-test na pamamaraan. Ang mga respondente ay napabilang sa nakakuha ng mataas na marka sa unang markahan at ang mga mag-aaral na napabilang sa pagkabigo na 24 na mga mag-aaral na mababa ang antas sa pagbasa at pag-unawa ay kolaboratibong magtutulung sa pagkatuto nang ikasiyam na baitang ng Sawata National High School. Natuklasan sa resulta ng pag-aaral na ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa pre-test ay inilalarawan na mababa samantalang ang naging resulta sa post-test ay mataas. Lumalabas na mayroong makabuluhang pagbabago sa pagitan ng pre-test at post-test ng mga mag-aaral mula sa eksperimental na grupo matapos ang isinagawang interbensyon, t (8) = 8.951 p<.001. Samakatuwid, ang Project PARES ay isang epektibong pamamaraan upang mapalakas at mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral kaya iminumungkahi ng mga mananaliksik na na pagpapatupad ng pang-edukasyong suporta katulad ng peer tutoring bilang isang epektibong interbensyon sa pagpapaunlad sa kasanayang pagbasa at pagkatuto.

🏷️ Keywords

Antas Ng Pagbasa Peer-Tutoring Post Test Pre-Test PHIL-IRI Ika-9 Baitang Sawata National High School

🔗 DOI

View DOI - (https://doi.org/10.36713/epra22594)

📚 How to Cite:

Divine P. Deloy, Isyd Mae Labastida, Manny B. Lig-onan , PROJECT PARES (PEER ASSISTED READING AND EDUCATION STRATEGIES): INTERBENSYON SA PAGPAPAUNLAD SA KASANAYANG PAGBASA AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA IKA-9 NA BAITANG , Volume 11 , Issue 6, june 2025, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra22594

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202506-01-022594.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.