Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

SALAYSAY NG MGA GURONG TAGAPAGSANAY SA PANSANGAY NA IISPEL MO SA PAGTUTURO NG ORTOGRAPIYANG FILIPINO: ISANG NARATOLOHIKAL NA PAG-AARAL

📘 Volume 12 📄 Issue 2 📅 February 2026

👤 Authors

Modessa M. Moninio LPT , Shirrey Ian B. Abueva Ph.D 1
1. 1. Master of Arts in Education, Major in Filipino, St. Mary’s College of Tagum, Inc, Graduate School Department, Graduate School Department, Tagum City, Philippines, 2.Master Teacher II, Atty. Rolando S. Rimando National High School, Maco, Davao de Oro , Philippines

📄 Abstract

Ginamit sa pag-aaral na ito ang kuwalitatibo at naratolohikal na disenyo upang galugarin, ilarawan, at maisalaysay ang mga kabiguan, tagumpay, at aral ng mga gurong tagapagsanay sa patimpalak na “Iispel Mo!” sa pagtuturo ng Ortograpiyang Filipino. Tatlong gurong tagapagsanay mula sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Mati ang kalahok, na binigyang-palayaw na Maalab, Magiliw, at Mapagpunyagi. Lumabas na ang mga kabiguan ng mga tagapagsanay ay nauugnay sa kakulangan ng oras, mababang kumpiyansa at pag-unawa sa wika, pagkatalo sa kompetisyon, at kakulangan ng sariling kakayahan. Sa kabila nito, nakamit nila ang tagumpay sa pamamagitan ng mataas na marka ng mga mag-aaral, pag-unlad sa kasanayan sa pagsulat at pagsasalita, paglago ng kumpiyansa, at aktibong pakikilahok sa klase. Mula sa mga karanasang ito, natutuhan ng mga kalahok ang pagkakaroon ng malinaw na layunin sa pagtuturo, pagiging malikhain at mapanuri, pagpapakita ng simpatiya sa mag-aaral, pagtataguyod ng pananagutan, at pagpapahalaga sa Wikang Filipino. Binibigyang-diin ng pag-aaral ang pangangailangang palakasin ang suporta at pagsasanay sa mga gurong tagapagsanay upang higit na mapaunlad ang pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa Ortograpiyang Filipino.

🏷️ Keywords

Kuwalitatibong Pananaliksik Naratolohikal Ortograpiyang Filipino gurong tagapagsanay “Iispel Mo!” pansangay na paligsahan Sangay ng Lungsod ng Mati

🔗 DOI

View DOI - (https://doi.org/10.36713/epra26133)

📚 How to Cite:

Modessa M. Moninio LPT , Shirrey Ian B. Abueva Ph.D , SALAYSAY NG MGA GURONG TAGAPAGSANAY SA PANSANGAY NA IISPEL MO SA PAGTUTURO NG ORTOGRAPIYANG FILIPINO: ISANG NARATOLOHIKAL NA PAG-AARAL , Volume 12 , Issue 2, February 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra26133

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202602-01-026133.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.