Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

SALINAYAN: PAGPAPALAWIG NG KASANAYAN SA PAGSASALING-WIKA TUNGO SA KAALAMANG GRAMATIKAL

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Maria Catherine Joy Orilla Solmoro 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masuri ang bisa ng Salinayan: Pagpapalawig ng Kasanayan sa Pagsasaling-Wika Tungo sa Kaalamang Gramatikal ng mga mag-aaral. Sinagot nito ang mga sumusunod na layunin: antas ng paggamit ng Salinayan; antas ng pagsasaling-wika; antas ng pagpapalawig ng kasanayan; antas ng kaalamang gramatikal; antas ng performans ng mga mag-aaral batay sa iskor; makabuluhang kaugnayan ng paggamit ng Salinayan at pagsasaling-wika sa pagpapalawig ng kasanayan; makabuluhang kaugnayan ng paggamit ng Salinayan at pagsasaling-wika sa kaalamang gramatikal; at makabuluhang epekto ng paggamit ng Salinayan at pagsasaling-wika sa performans ng mga mag-aaral. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibo at korelasyonal na disenyo ng pananaliksik. Ang mga datos ay nakalap mula sa apatnapu’t limang (45) piling mag-aaral ng Magdalena Integrated National High School mula sa GAS-Rizal at GAS-Bonifacio sa pamamagitan ng sariling gawang talatanungan bilang pangunahing instrumento ng pananaliksik. Ginamit ang frequency, percentage, mean, at standard deviation, habang Pearson Correlation at Regression Analysis naman upang matukoy ang kaugnayan at epekto ng mga baryabol. Ipinakita sa pag-aaral na mataas ang antas ng paggamit ng Salinayan at pagsasaling-wika bilang kagamitang pampagkatuto. Mataas din ang antas ng Paggamit ng Salinayan, Pagsasaling-wika, Pagpapalawig ng Kasanayan at Kaaalamang Gramatikal. Natuklasan din na may makabuluhang kaugnayan ang Paggamit ng Salinayan at Pagsasaling-wika sa Pagpapalawig ng Kasanayan at Kaalamang Gramatikal. Samantala, ipinakita rin sa resulta na may makabuluhang epekto ang Paggamit ng Salinayan at Pagsasaling-wika sa performans ng mga mag-aaral batay sa kanilang iskor. Lumabas na may makabuluhang ugnayan ang paggamit ng Salinayan at pagsasaling-wika sa pagpapalawig ng kasanayan at kaalamang gramatikal ng mga mag-aaral kung kaya’t hindi tinatanggap ang mga haypotesis. Samantala, may makabuluhang epekto ang paggamit ng Salinayan at pagsasaling-wika sa kanilang akademikong pagganap kung kaya’t hindi rin tinatanggap ang haypotesis hinggil sa performans ng mga mag-aaral dahil napatunayang, na nangangahulugang epektibo itong nakatutulong sa pagpapataas ng antas ng kanilang performans sa kontekstong sinuri. Batay sa natuklasan ng pag-aaral, inirerekomenda ang patuloy na paggamit ng Salinayan bilang alternatibo at makabagong kagamitang pampagtuturo upang higit na mapalawak ang kasanayan sa pagsasaling-wika at kaalamang gramatikal ng mga mag-aaral. Inirerekomenda rin ang pagbuo ng higit pang mga gawaing pagsasalin at interaktibong pagsasanay upang malinang ang kanilang kahusayan sa wastong paggamit ng wikang Filipino.

🏷️ Keywords

Pagsasaling-wika Salinayan Pagpapalawig ng Kasanayan Kaalamang Gramatikal

📚 How to Cite:

Maria Catherine Joy Orilla Solmoro , SALINAYAN: PAGPAPALAWIG NG KASANAYAN SA PAGSASALING-WIKA TUNGO SA KAALAMANG GRAMATIKAL , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 504 - 524 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784102832545-54.EPRA28667.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.