📄 Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa Salowika Cards: Kolaboratibong Kagamitang Pampagtuturo sa Pagpapalawak ng Kaalaman sa Filipino. Layunin nitong masukat ang antas ng Salowika Cards bilang kolaboratibong kagamitan sa pagtuturo, ang antas ng kaalaman at pagganap ng mag-aaral, layon ding mabatid kung may makabuluhang kaugnayan ba ang salowika cards sa pagpapalawak ng kaalaman ng mag-aaral at kung may epekto ang paggamit nito sa pagganap ng mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng disenyong deskriptibong korelasyonal. Ang mga limampu’t apat (54) na mag-aaral mula sa Lumban Senior High School, Lumban, Laguna taong panuruan 2025-2026 ang naging taga-tugon sa pag-aaral na ito. Nangalap ng datos sa pamamagitan ng talatanungan at ang mga nakalap ay sinuri gamit ang mga istatistikal na pamamaraan na tulad ng weighted mean, standard deviation, pearson-r, at simple linear regression analysis. Batay sa mga natuklasan, ang antas ng paggamit ng Salowika Cards bilang kagamitang pampagtuturo ay lubhang mabisa sa lahat ng tuntunin. Ipinakikita ng mga aspektong ito ang mataas na kalidad at kaakit-akit. Lumabas na lubhang mabisa ang Salowika Cards batay sa pag-uugali sa pagkatuto, pamamahala sa pagkatuto, at pamamahala ng kasanayan. Napalakas nito ang aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral at ang praktikal na paggamit ng wika, na nagpapatunay na ang kolaboratibong estratehiya ay nagdudulot ng mas malalim na pag-unawa at mas mataas na antas ng pagmamay-ari sa sariling pagkatuto. Sa pagganap ng mga mag-aaral, ang resulta ng pagsusulit ay nasa antas na very satisfactory, na may mataas na porsiyento ng outstanding na marka. Natuklasan din ang makabuluhang epekto ng Salowika Cards sa parehong pagpapalawak ng kaalaman at akademikong pagganap. Ito ay nangangahulugang ang pag-aaral na ito ay epektibong kagamitang pampagtuturo na nagpapalawak sa kaalaman at nagpapahusay sa pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino." Ang Salowika Cards ay nagpakita ng makabuluhang epekto sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Filipino sa pagganap ng mga mag-aaral kung kaya’t ang lahat ng haypoteses ng pag-aaral ay hindi tinanggap. Ito ay nangangahulugang at napatunayan na mayroong positibong pagbabago sa mga mag-aaral sa oras ng talakayan simula ng gamitin ang Salowika Cards. Inirerekomenda ang Salowika Cards bilang isang transformative at epektibong kagamitang pampagtuturo na may praktikal at pangmatagalang benepisyo sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Nidia Nadal Rana , SALOWIKA CARDS: KOLABORATIBONG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN SA FILIPINO , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 476 - 484 ,