Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

SIKAP: SULAT AT INTEGRASYON NG KULTURANG LOKAL SA ANTAS NG PAGBASA TUNGO SA PAGLINANG NG KASANAYAN AT PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Korinna Salayo Artuz 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009, Philippines,

📄 Abstract

Sinuri ng pag-aaral na ito ang SIKAP: Sulat at Integrasyon ng Kulturang Lokal sa Antas ng Pagbasa Tungo sa Paglinang ng Kasanayan at Pagganap ng mga Mag-aaral. Nilayon ng pag-aaral na matukoy ang antas ng Sulat at Integrasyon ng Kulturang Lokal batay sa bahagi ayon sa layunin, nilalaman, gabay na tanong, gawain, at paglalapat. Tinukoy rin ng pag-aaral ang antas nito batay sa katangian ayon sa presentasyon ng aralin, kaangkupan ng mga aralin, disenyo, kalinawan, at teknikal na porma. Sinuri ang antas ng paglinang ng kasanayan sa pagbasa batay sa pag-unawang literal, inferensyal, kritikal, pagpapahalaga sa binasa, at kakayahang mag-ambag ng sariling opinyon. Inalam din ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa pasulat at oral na pagsusulit. Siniyasat din kung may makabuluhang pagkakaiba sa pagganap ng mga mag-aaral batay sa pasulat at oral na pagsusulit. Tinukoy kung may makabuluhang kaugnayan ang Sulat at Integrasyon ng Kulturang Lokal sa paglinang ng kasanayan sa pagganap ng mga mag-aaral. At sa huli, sinuri kung may makabuluhang epekto ang Sulat at Integrasyon ng Kulturang Lokal sa pagganap ng mga mag-aaral. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibo‑korelasyonal na disenyo. Ang mga tagatugon ay animnapung (60) piling mag-aaral mula sa Sampaloc National High School, Sampaloc, Quezon. Gumamit ang mananaliksikng self-made questionnaire bilang pangunahing instrument sa pangangalap ng datos. Bukod dito, ginamit ang weighted mean, standard deviation, paired t‑test, at Natuklasan na ang antas ng sulat at integrasyon ng kulturang lokal batay sa bahagi at katangian ng aralin ay Lubhang Mabisa. Ang antas ng paglinang ng kasanayan sa pagbasa ay Lubhang Mabisa rin sa lahat ng dimensyon. Ang pagganap ng mga mag-aaral sa pasulat at oral na pagsusulit ay Napakahusay, at may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang anyo ng pagtataya. Ipinakita ng pag-aaral na may makabuluhang kaugnayan ang integrasyon ng kulturang lokal sa paglinang ng kasanayan sa pagbasa, subalit walang makabuluhang epekto sa kabuuang akademikong pagganap ng mga mag-aaral. May makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang anyo ng pagtataya at may makabuluhang kaugnayan ang integrasyon ng kulturang lokal sa paglinang ng kasanayan sa pagbasa, kung kaya’t ang haypoteses ay hindi tinatanggap, samantala wala makabuluhang epekto sa kabuuang akademikong pagganap ng mga mag-aaral kung kaya’t ang haypoteses ay tinanggap. Bilang konklusyon, ipinakita ng pag-aaral na bagama’t mahalaga ang kulturang lokal sa pagpapahusay ng kasanayan sa pagbasa at may epekto sa uri ng pagtataya, hindi nito tuwirang naaapektuhan ang pangkalahatang akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Inirerekomenda ang pagpapatuloy ng SIKAP bilang suportang estratehiya sa pagbasa, higit na pagtuon sa mga gawaing oral at paglalapat, at pagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang masuri ang pangmatagalang epekto nito.

🏷️ Keywords

Sulat Integrasyon Kulturang Lokal Pagbasa Kasanayan

📚 How to Cite:

Korinna Salayo Artuz , SIKAP: SULAT AT INTEGRASYON NG KULTURANG LOKAL SA ANTAS NG PAGBASA TUNGO SA PAGLINANG NG KASANAYAN AT PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 274 - 288 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784018579550-37.EPRA28650.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.