📄 Abstract
Upang matukoy ang papel ng mga "hugot lines" sa wikang Filipino sa pagpapaunlad ng pang-unawa ng mga mamamayan sa modernong lipunan, ang pag-aaral na ito ay nagsasagawa ng isang sosyo-kultural na pagsusuri sa paksa. Ang layunin ng pag-aaral ay suriin ang mga lantarang paksa, kultural na kahulugan, at panlipunang konteksto na nakapaloob sa mga sikat na hugot lines mula sa kay Miriam Defensor Santiago. Ang pag-aaral ay isinasagawa sa taong panuruang 2026-2027, sa pamamagitan ng isang kwalitatibong disenyong deskriptibo upang masusing mapag-aralan ang hugot lines sa kanilang sosyo-kultural na konteksto at ang epekto nito sa kasanayan sa pagbigkas. Ang paraan sa pagkuha ng datos ay isang talatanungan ng mga piniling hugot lines upang matiyak ang katumpakan,pagiging epektibo, at kredibilidad ng mga datos na nakolekta. Ang talatanungan ay nakatuon sa malalim na pagkuha ng pananaw tungkol sa sosyu-kultural na kahulugan ng hugot lines at sa kansanayan sa pagbigkas nito.Ang mga tanong ay nakasentro sa mga temang nais talakayin, gaya ng papel ng hugot lines sa kultura, mga karanasan sa paggamit sa kontekstong sosyal.Ang mga tanong ay hindi malabo o nakalilito upang maiwasan ang maling interpretasyon, nakaayos a lohikal na pagkakasunod-sunod upang masundan ng maayos.Ang tanong ay hindi nagdulot ng bias at nakaengganyo sa kalahok na magbahagi ng nang bukas.Nakatulong ang mga open-ended na tanong upang makakuha ng malawak na datos at pananaw.Batay sa resulta ng pagsusuri, sa pamamagitan ng talinhaga, tayutay,teman at konteksto, natuklasan na mga hugot lines ay hindi lamang nakakatawa o nakakaaliw, kundi nagsisilbing makabuluhang pahayag sa karanasan ng mga Filipino sa larangan ng pag-ibig.Ito ay nagsisilbing makabagong anyo ng panitikan na nag-uugnay sa tradisyunal na pagpapahayag ng damdamin sa modernong kultura ng kabataan, at gawing batayan ang resulta ng pag-aaral sa pagbuo ng mga programang pang-edukasyon.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Bob J. Huilar Jr, Raymund L. Santiago , SOSYO-KULTURAL NA PAGSUSURI NG MGA HUGOT LINES SA FILIPINO: BATAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG PANG-UNAWA , Volume 12 , Issue 8, August 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 862 - 880 , DOI: https://doi.org/10.36713/epra31356