Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

SOSYO-KULTURAL NA PAGSUSURI NG MGA TRADISYON: BATAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURANG PANITIKAN

📘 Volume 12 📄 Issue 8 📅 August 2026

👤 Authors

Roselyn N. Rico 1 , Dan M. Dagatan 2
1. Domingo Lacson National High School, Philippines,
2. La Carlota City College, Philippines,

📄 Abstract

Sinuri sa pag-aaral na ito ang mga tradisyong Bacolodnon sa sosyo-kultural na perspektiba bilang batayan sa pagpapaunlad ng kulturang panitikan. Partikular na tinukoy nito ang mga pagpapahalaga, paniniwala, at pananaw sa buhay na nakapaloob sa mga umiiral na tradisyon; ipinaliwanag ang ambag ng mga ito sa pagpapaunlad ng lokal na panitikan; at nakabuo ng mungkahing programa na maaaring magamit sa pagtuturo ng Panitikang Filipino. Ginamit sa pananaliksik na ito ang kwalitatibong disenyo na may pinomenolihikal na pagdulog. Nakalap ang mga datos sa pamamagitan ng semi-structured interview sa mga piling kalahok mula sa Barangay Granada at Barangay Sum-ag, Lungsod ng Bacolod, na isinagawa sa buwan ng Mayo, taong 2026. Sinuri ang mga nakalap na impormasyon gamit ang tematikong analisis upang matukoy ang mga pangunahing tema ng pag-aaral. Natuklasan na ang mga tradisyong Bacolodnon ay nagsisilbing daluyan ng mahahalagang pagpapahalaga tulad ng bayanihan, pananampalataya, paggalang, pagkakaisa, at kolektibong pananagutan na nagpapatibay sa pagkakakilanlan ng komunidad. Lumitaw din na ang lokal na kasaysayan, tradisyong pasalita, at wikang Hiligaynon ay mahalagang sanggunian sa paglikha, pagpapanatili, at pagpapalaganap ng lokal na panitikan. Iminungkahi rin ng mga kalahok ang pagpapatibay ng dokumentasyon ng mga tradisyon, pagsasagawa ng mga seminar at pagawaan, pagbuo ng mga kontekstuwalisadong kagamitang pampagtuturo, integrasyon ng panitikang Bacolodnon sa kurikulum, paggamit ng mga digital na plataporma, at mas malawak na pakikipagtulungan ng mga paaralan, lokal na pamahalaan, at mga institusyong pangkultura upang higit na mapaunlad ang kulturang panitikan.

🏷️ Keywords

Tradisyong Bacolodnon; Sosyo-kultural na Perspektiba; Kulturang Panitikan; Panitikang Filipino; Tradisyong Pasalita; Wikang Hiligaynon; Lokal na Panitikan; Kontekstuwalisadong Pagtuturo.

📚 How to Cite:

Roselyn N. Rico, Dan M. Dagatan , SOSYO-KULTURAL NA PAGSUSURI NG MGA TRADISYON: BATAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURANG PANITIKAN , Volume 12 , Issue 8, August 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 537 - 546 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1787409398480-75.EPRA31267.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.