Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

SULYAP SA PIYESANG LIKHA: PAGDALUMAT SA MGA KATANGIANG TAGLAY NG SPOKEN WORD POETRY

📘 Volume 11 📄 Issue 1 📅 january 2025

👤 Authors

Renelyn M. Basalo, Conie B. Cerna. MAEd 1
1. Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN FILIPINO, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines

📄 Abstract

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang mga natatanging katangiang taglay ng Spoken Word Poetry at kung paano ito ginagamit ng mga makata upang maiparating ang kanilang mensahe at damdamin. Ginamit sa pag-aaral ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik gamit ang diskursong pagsusuri bilang pangunahing pamamaraan upang suriin ang limampu?t isang (51) akda ng Spoken Word Poetry, na isinulat ng mga kilalang makata. Ipinakita ng pagsusuri na ang mga akda ay nagtataglay ng mga makulay at malikhain, ngunit may mga karaniwang katangian na namutawi sa kanilang mga estruktura. Kabilang sa mga natukoy na tayutay ang pagtutulad, pagwawangis, personipikasyon, at pagmamalabis, na ginamit ng mga makata upang magbigay diin sa kanilang mga mensahe. Bukod dito, natukoy din ang mga katangian tulad ng tema, tugma, at matatalinghagang pahayag na nagpapalalim sa kahulugan at epekto ng bawat akda. Ang mga elementong ito ay nagsisilbing kasangkapan ng mga makata upang mapalakas ang kanilang pagpapahayag ng emosyon at opinyon sa pamamagitan ng makatawid at epektibong paraan. Inaasahang magbibigay ang pag-aaral na ito ng masusing pananaw ukol sa paggamit ng Spoken Word Poetry sa pagpapahayag ng mga karanasan at saloobin, at magiging gabay ito para sa mga makata at tagapag-aaral ng literatura sa mas malalim na pag-unawa sa sining ng Spoken Word Poetry.

🏷️ Keywords

Spoken Word Poetry tayutay diskursong pagsusuri tema tugma matatalinghagang pahayag personipikasyon pagmamalabis

🔗 DOI

View DOI - ( https://doi.org/10.36713/epra19870)

📚 How to Cite:

Renelyn M. Basalo, Conie B. Cerna. MAEd , SULYAP SA PIYESANG LIKHA: PAGDALUMAT SA MGA KATANGIANG TAGLAY NG SPOKEN WORD POETRY , Volume 11 , Issue 1, january 2025, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra19870

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202501-01-019870.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.