Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

TEKBUK: TUKLASIN ANG EKSPERIMENTO NG KASANAYAN AT BUMUO NG UMUUNLAD NA KAALAMAN NG MAG-AARAL

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Shezanie Joy Llorca Marquez 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines,

📄 Abstract

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa TEKBUK: Tuklasin ang Eksperiemento ng Kasanayan at Bumuo ng Umuunlad na Kaalaman ng Mag-aaral. Nilayon ng pag-aaral na masagot ang mga sumusunod na tanong Antas ng Paggamit ng TEKBUK batay sa Bahagi ayon sa Layunin, Paksa, Gawain, Pagtataya at Repleksyon. Antas ng Paggamit ng TEKBUK batay sa Katangian ayon sa Kaangkupan, Kalinawan, Hikayat sa Paggamit, Disenyo at Teknikal na Pormat. Antas ng Paggamit ng TEKBUK sa Pagpapabuti ng Husay sa Pagbasa batay sa Antas ng Pagkakaunawa, Kakayahang Magbasa nang tuloy-tiuloy, Tamang Tono sa Pagbasa, Pananaw sa Pagbasa at Pag-uugali sa Pagbasa. Sumunod ay ang Antas ng Paggamit ng TEKBUK sa Pagganap ng Mag-aara, batay sa Pasalita at Pasulat na Pagsusulit. Inalam din ng mananaliksik ang Makabuluhang Kaugnayan ng Paggamit ng TEKBUK sa Pagpapabuti ng Husay sa Pagbasa ng Mag-aaral at Makabuluhang Epekto ng Paggamit ng TEKBUK sa Pagganap ng Mag-aaral. Ginamit ang Deskriptibong-Korelasyonal na paraan, Kwantitatibong pagdulog ng pananaliksik at mga istatistikal na pamamaraan na Weighted Mean at Standard Deviation, Frequency Percentage, Pearson Product-Moment Correlation Coefficient (Pearson r), at Multiple Regression Analysis. Pinili ang apatnaput pitong (47) mag-aaral sa ikawalong baitang ng Canlubang Integrated School 2025-2026 gamit ang Purposive Sampling Technique. Gumamit rin ng talatanungan na sinuri ng sampung (10) guro na eksperto sa Filipino at teknolohiya upang masiguro ang kalidad ng material. Batay sa mga datos napatunayang Lubhang Mabisa ang TEKBUK batay sa bahagi, katangian at antas ng pagpapabuti ng husay sa pagbasa sa lahat ng salik. Napakahusay ang pagganap ng mga mag aaral sa Pasalitang Pagsusulit at Pasulat na Pagsusulit. May makabuluhang kaugnayan ang Bahagi at Katangian ng TEKBUK sa pagpapabuti ng husay sa pagbasa. Gayundin may makabuluhang epekto ang pagganap ng mga mag-aatal. `May Makabuluhang Kaugnayan ang paggamit ng TEKBUK sa Pagpapabuti ng Husay sa Pagbasa ng mga Mag-aaral. Ipinahihiwatig nito na habang tumataas ang kalidad ng aspektong ito ng TEKBUK, tumataas din ang antas ng pag-unlad sa pagbasa ng mga mag-aaral. Napatunayan na may makabuluhang epekto ang paggamit ng TEKBUK sa Pagganap ng Mag-aaral Patunay ito na ang TEKBUK ay isang mabisang kagamitang pampagtuturo sa pagpapabuti ng husay sa pagbasa at sa pagpapataas ng pagganap ng mga mag aaral. Dahil sa mga konklusyong nabuo mula sa mga natuklasan ng pag-aaral, inirerekomenda sa mga susunod na mananaliksik na maaaring magsagawa ng mas malawak na pag-aaral na may mas malaking bilang ng tagatugon at isama ang iba pang sukatan ng pagganap tulad ng performance-based assessment at portfolio upang higit pang mapagtibay at mapalawak ang resulta ng pag-aaral hinggil sa epekto ng TEKBUK.

🏷️ Keywords

Teknolohiya Kagamitang Panturo Pagsasanay Pagganap at Layunin

📚 How to Cite:

Shezanie Joy Llorca Marquez , TEKBUK: TUKLASIN ANG EKSPERIMENTO NG KASANAYAN AT BUMUO NG UMUUNLAD NA KAALAMAN NG MAG-AARAL , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 411 - 425 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784101935231-47.EPRA28660.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.