Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

THINK TO UNDERSTAND: KASANAYAN SA PAG-UNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA JUNIOR HIGH SCHOOL

📘 Volume 12 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Josielyn H. Gemoya 1
1. Mananaliksik, Rizal Memorial Colleges, Inc, Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng kuwalitatibong disenyo gamit ang pamamaraang penomenolohikal upang tuklasin ang mga karanasan ng mga guro ng Filipino sa Davao Occidental Division sa pagpapahusay ng kasanayan sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral sa Junior High School. Sampung guro mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ang lumahok sa masinsinang panayam. Lumitaw sa pag-aaral na bagaman kinikilala ng mga guro ang kahalagahan ng pagbasa sa akademikong tagumpay ng mga mag-aaral, nahaharap sila sa mga suliraning tulad ng kakulangan ng mga kagamitan, limitadong pagsasanay, at limitadong ng suporta mula sa administrasyon. Sa kabila nito, ipinamalas ng mga guro ang kanilang katatagan at inisyatiba sa pagharap sa mga hamong ito. Isa sa mga pangunahing mekanismo ng pagkaya ay ang pakikilahok ng mga magulang sa programa sa Pagbasa. Bukod dito, ginamit din ng mga guro ang mga teknolohiyang pang-edukasyon upang maging aktibo ang paglahok ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito, nilikha rin nila ang isang suportadong kapaligiran sa pagkatuto na pumapabor sa interaktibong pagkatuto.Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng mahalagang pananaw sa pagpapaunlad ng propesyonal ng mga guro, pagsusulong ng mga aktibong estratehiya sa pagbasa, at ang paggamit ng angkop na kasanayan. Ang pananaliksik na ito ay nag-aalok ng makabuluhang kaalaman para sa mga tagapagbuo ng polisiya, at mga guro upang higit na mapatibay ang suporta sa literasiya sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagsasanay at sapat na pagkakaloob ng mga kinakailangang kagamitan.

🏷️ Keywords

pag-unawa sa binasa guro ng Filipino kuwalitatibong pananaliksik mekanismo ng pagkaya edukasyong pangbasa.

📚 How to Cite:

Josielyn H. Gemoya , THINK TO UNDERSTAND: KASANAYAN SA PAG-UNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA JUNIOR HIGH SCHOOL , Volume 12 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 933 - 939 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1783107635491-144.EPRA23773.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.