📄 Abstract
Ang pangunahing tunguhin ng pananaliksik na ito ay mailarawan at maunawaan ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Weekly Learning Matrix (WeeLMat) sa panahon ng suspensiyon ng klase. Sinuri ng mananaliksik ang kanilang mga karanasan, mga hamon, at mga tugon sa mga hamong ito. Ginamit ang kwalitatibong pananaliksik na nakabatay sa deskriptibong penomenolohiya at thematic analysis sa pagsusuri, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga nakalap na datos. Ang mga kalahok ay pinili sa pamamagitan ng purposive sampling at ang nakalap na datos ay isinagawa sa pamamagitan ng Focus Group Discussion. Natuklasan sa pag-aaral na mahalagang kagamitang pampagkatuto ang WeeLMat sa panahon ng suspensiyon ng klase sapagkat nakatulong ito sa pagpapatuloy, pagsasaayos, at pagpapabuti ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Gayunpaman, naranasan din nila ang mga hamong akademiko, teknikal, sariling pamamahala, at pantahanan. Bilang tugon sa mga hamong ito, isinagawa ng mga mag-aaral ang kolaboratibong estratehiya, estratehiya sa sariling pamamahala, at pagpapanatili ng motibasyong pang-akademiko. Mahalagang patuloy na mapabuti ang implementasyon ng WeeLMat sa pamamagitan ng suporta ng mga guro, paaralan, at mga magulang upang higit na mapalakas ang sariling pinamamahalaang pagkatuto ng mga mag-aaral.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Princess G. Pongyan, Raymund L. Santiago, PhD , TINIG AT DANAS: KARANASAN NG MGA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG WEEKLY LEARNING MATRIX (WEELMAT) , Volume 12 , Issue 8, August 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 694 - 703 , DOI: https://doi.org/10.36713/epra31337