Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

WIKANG LUISIANAHIN: PAGBUO NG DIKSYUNARYONG KULTURAL SA PAGLINANG NG LOKAL NA WIKA

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Florabel Merin Jovellana 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa Wikang Luisianahin: Batayan sa Pagbuo ng Diksyunaryong Kultural. Nilalayon na masuri ang demograpikal na profayl ng mga tagatugon batay sa edad, tagal ng paninirahan at edukasyonal na antas. Maging ang antas ng kaalaman sa Wikang Luisianahin sa Pagbuo ng Diksyunaryong Kultural sa Paglinang ng Lokal na Wika batay sa Kalinawan ng Kahulugan, Antas ng Pag-unawa, Kaangkupan, Hikayat sa Gamit, Kultural na Konteksto, Disenyo at Teknikal na Pormat. Masuri ang antas ng Paglinang ng Lokal na Wika ng mga tagatugon batay sa Pagkakaroon Ng Interes, Pamilyaridad, Patuloy na Paggamit ng Lokal na Wika, Pagtaas ng Kasanayan, Pagpapahalaga at Pagtanggap ng Komunidad. Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibong-korelasyonal na disenyo ng pananaliksik. Ang pag-aaral ay kinasangkutan ng isang daan at walumpung (180) tagatugon na binubuo ng mga mag-aaral at mamamayan. Ginamit ang Mean at Weighted Mean upang masukat ang antas ng mga baryabol, at Multiple Regression Analysis upang matukoy ang ugnayan at epekto ng mga salik sa paglinang ng lokal na wika. Ipinakita ng resulta na ang demograpikal na profayl ng mga tagatugon, kabilang ang edad, tagal ng paninirahan, at edukasyonal na antas, ay magkakaiba ngunit hindi naging hadlang sa paglinang ng lokal na wika. Ang lahat ng aspeto ng Wikang Luisianahin sa Pagbuo ng Diksyunaryong Kultural, mula Kalinawan ng Kahulugan hanggang Teknikal na Pormat, ay nakatamo ng tugon na Lubhang Mabisa, na nagpapakita ng malinaw, angkop, at kaaya-ayang diksyunaryo. Kasabay nito, ang Paglinang ng Lokal na Wika ng mga tagatugon ay Lubhang Mabisa rin sa lahat ng aspeto, kabilang ang interes, pamilyaridad, paggamit, pagpapahalaga, at pagtanggap ng komunidad. Gayunpaman, natuklasan na walang makabuluhang ugnayan ang demograpikal na profayl at kaalaman sa Wikang Luisianahin sa Pagbuo ng Diksyunaryong Kultural sa aktibong Paglinang ng Lokal na Wika. Ang mga natuklasan, inirerekomenda na patuloy na isama at pagyamanin ang paggamit ng lokal na wika sa mga gawain sa paaralan at komunidad. Hinihikayat ang mga guro at magulang na lumikha ng mga aktibidad na magpapalakas sa pakikilahok at aktibong paggamit ng lokal na wika, at ang mga tagagawa ng diksyunaryo ay dapat ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng materyal na pang-edukasyon. Para sa mga susunod na mananaliksik, mainam na tuklasin ang iba pang salik tulad ng motibasyon, suporta ng komunidad, at interaktibong paggamit ng wika na maaaring makaapekto sa Paglinang ng Lokal na Wika ng mga mag-aaral Sa pagbibigay-linaw ng lagom ng mga natuklasan, ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuoBatay sa resulta ng pag-aaral, unang napag-alaman na walang makabuluhang ugnayan ang demograpikal na profayl ng mga tagatugon kabilang ang edad, tagal ng paninirahan, at edukasyonal na antas sa Paglinang ng Lokal na Wika. Ipinapakita nito na ang personal na katangian ng mga tagatugon ay hindi nakakaapekto sa kanilang antas ng paggamit at pagpapahalaga sa lokal na wika. Pangalawa, natuklasan din na walang makabuluhang ugnayan ang kaalaman sa Wikang Luisianahin sa Pagbuo ng Diksyunaryong Kultural sa Paglinang ng Lokal na Wika. Ipinapahiwatig nito na, sa kabila ng mataas na antas ng kaalaman sa diksyunaryo, hindi ito direktang nakahuhula o nakakaapekto sa aktibong paglinang ng lokal na wika ng mga tagatugon. Sa kabuuan, malinaw na sa grupong pinag-aralan, ang Paglinang ng Lokal na Wika ay hindi nakadepende sa demograpikal na profayl o sa kaalaman sa diksyunaryong kultural, at nangangailangan ng iba pang salik upang higit na mapaunlad ang paggamit at pagpapahalaga sa lokal na wika.

🏷️ Keywords

Wikang Luisianahin Diksyunaryong Kultural Wika Kultura Leksikograpiya

📚 How to Cite:

Florabel Merin Jovellana , WIKANG LUISIANAHIN: PAGBUO NG DIKSYUNARYONG KULTURAL SA PAGLINANG NG LOKAL NA WIKA , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 397 - 410 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784052514449-46.EPRA28659.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.